CHAPTER 42

478 18 2
                                    

Dalawang araw na mula nang nakauwi kami galing sa family reunion nina Luca. At dalawang araw na rin akong nasa loob lamang ng condo ni Luca.

I'm not bored actually. Sinabi ko kay Luca na ako na ang maglilinis at maglalaba ng mga damit namin. Minsan ay ako na rin ang nagluluto.

I don't want to be a señorita. Nakakahiya naman kay Luca. Siya na nga ang gumagastos sa mga kinakain namin, ako pa ang walang ginagawa. So I'm doing some things for us to be fair.

I'm doing the laundry right now and he's working through his laptop. Hindi ko na siya kinulit pa dahil alam kong ako ang rason kung bakit hindi siya pumupunta sa kompanya niya.

While doing the laundry he called my name. Lumabas ako at tinungo ang kusina kung nasaan siya.

"Bakit?" I asked.

He closed his laptop and demanded for me to get closer. Nagsalubong ang mga kilay ko. Ano na naman?

Nagdadalawang isip man ay lumapit pa rin ako sa kanya. He pulled me by the waist and put me between his legs.

Nakaupo siya sa isang high stool chair kaya napantayan ko ang mga mata niya.

"Luca, basa ako," reklamo ko dahil nabasa ako sa nilalabhan ko. Tinulak ko siya sa balikat pero hindi niya ako hinayaang makalayo.

"You're already wet? Hindi pa ako nagsisimula," sabi niya na may ngisi sa mga labi.

What the fuck? That's not what I meant! Ang dumi rin talaga ng isip niya, 'no.

"You know what I mean." I glared at him.

Gulong-gulo na rin ang buhok ko. Hindi pa ako naliligo. Mamaya na lang kapag tapos na ang nilalabhan ko.

He chuckled slightly. "Just kidding. I have to go to the company later."

I raised my eyebrow. "And then?"

"Hindi kita isasama. You'll stay here." Pinakatitigan niya ako at pinag-aralan ang ekspresyon ko. Nagpapaalam talaga siya sa'kin?

"Are you sure? I could escape again for sure."

He fixed my hair. Pinalikod niya iyon sa likod ng mga tainga ko.

"I'm not stupid. I have eyes around."

Okay? Hindi nga siya bobo. Hindi naman niya ako iiwan dito kung alam niyang hindi ako aalis ulit. He doesn't really trust me, huh.

Tumango ako sa kanya. Kumain muna kami ng tanghalian bago siya aalis.

"Stay here, okay? Don't leave my condo," paalala niya. Wala talaga siyang tiwala sa'kin. Akala ko may mga mata siya sa paligid?

"Oo na. Sige na, umalis ka na," taboy ko sa kanya.

Nagtaka pa ako nang titigan niya lang ako na parang may hinihintay. Anong kailangan nito?

Napailing ako bago siya nilapitan at inayos ang neck tie niya. Ang tanga niya mag-ayos.

"Ayan." Pinagpag ko siya sa balikat para ipaalam na tapos na. Lumayo ako pero nakatitig pa rin siya sa'kin.

"What?"

"Where's my kiss?" parang nagtatampong tanong niya.

Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala. Seryoso ba siya? Kinareer talaga niya ang pag-aangkin sa'kin, 'no. He's not even my boyfriend. We're not also friends. Just strangers.

"Ang kapal din talaga ng mukha mo, 'no." Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at mataray siyang tinignan.

Ang walang hiya talaga niya. Hindi ba siya nahihiya sa'kin? Sa bagay, makapal nga naman ang mukha.

LOVING THE PROSTITUTE #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon