CHAPTER 23

1.1K 40 4
                                    

"Kailangan ba kasing lagi mo akong dala kapag may pupuntahan ka?"naiinis kong wika.

Kanina pa ako pilit nang pilit sa kanya na ayaw kong sumama pero hindi siya pumayag na manatili. Baka raw tatakas ako.

Baliw ba siya? Mas malaki ang tsansang tatakasan ko siya kapag sinama niya ako. Well, why not try to take this opportunity?

Padabog akong lumabas ng sasakyan niya pagkalabas niya. Lagi talaga akong naiinis sa kanya.

He won't even let me wear what I want. Sa tuwing pinipilit ko ay pinupuwersa niya ako at hinahalikan ng marahas bilang pagbabanta.

Sino ba siya sa'kin para gawin 'yon? He's not even my boyfriend and he's acting like fucking one. Mas malala pa siya sa mga nakarelasyon ko.

"Shut it and stop complaining," parang wala lang sa kanyang sabi niya.

See? He doesn't even care. Hindi ba siya aware na walang kami? E, napulot ko lang siya sa club, a. Kailangan ko na talagang lumayo.

Kahit hindi ko man aminin ay alam kong nagiging malapit na ako sa kanya. Hindi sa klaseng napapamahal ako sa kanya pero konti na lang ay maitututring ko na siyang kaibigan. Kahit pa may nangyari na sa amin.

Hindi ko naman matatawag na kasintahan ko na siya dahil lang may nangyari sa amin. Hindi ko rin matatawag na kaibigan dahil hindi nagtatalik ang magkaibigan. Kaya estranghero lang ang puwede kong maitawag sa kanya. Hindi ko rin naman siya matatawag na kuya. Alam kong mas matanda siya sa'kin anim na taon.

"You're not even my boyfriend," I mumbled.

He wrapped his arm around my waist that made me frowned. See? Feeling boyfriend siya.

Hindi siya nagsalita at iginaya na lang ako papasok sa club na pinuntahan namin noon. Hinayaan ko na ang braso niya sa'kin dahil kahit tanggalin ko man 'yon, hindi siya bibitaw.

Pagkapasok namin ay marami na ang tao sa loob. Marami nang nagsasayawan sa dancefloor. May mga halos magtalik na sa klase ng paghahalikan. Meron din namang nag-uusap pero naghihipuan naman.

Ginala ko pa ang mga mata ko at nakitang may mga strippers sa stage at may mga lalaking nanonood na halos tumulo na ang laway. Karamihan sa kanila ay matatanda. Iilan lang mga nanonood na mga kasing edad ko lang o mas matanda pa ng ilang taon.

Nakahawak lang ang braso ni Luca sa'kin habang naglalakad kami. Hanggang sa namataan ko ang mga pinsan niya. Napansin kong may dumagdag sa kanilang isa. Siya rin 'yung nakita ko noon sa club na pinagtatrabahuan ko noong una kong nakita si Luca.

Hindi ko alam 'yung pangalan pero siya 'yung lalaking walang pakialam sa paligid niya. Kahit yata may nagpapatayan sa harap niya ay wala pa rin siyang pakialam.

"Luca!" Winagayway ni Hez ang kamay niya para kunin ang atensyon ni Luca.

Ngising-ngisi siya habang nakatitig sa amin. Mas lumawak pa nga 'yon nang makita ang braso ni Luca na nakapalibot sa'kin.

Binura ko lahat ng emosyon ko sa mukha. They're different. Sila 'yung klase ng mga taong mawawalan ka talaga ng emosyon.

Nakuha namin ang atensyon ng lahat ng pinsan niyang nakaupo na sa couches na nakapalibot sa pabilog na lamesa. Medyo malayo 'to sa inupuan nila noong nakaraan.

Nagngisihan sila at tinignan ng mapang-asar si Luca. Gaya ko ay wala ring emosyong mababasa sa mukha niya.

Saglit lang tumingin sa amin ang pinsan niyang walang pakialam at tinuon din sa hawak niyang alak.

"With someone again?" nanunuksong tanong ni Lyte.

Naupo kami ni Luca sa bakanteng couch sa gilid na kaharap ng couch na kinauupuan ng kambal niya at pinsang niyang walang pakialam sa paligid.

LOVING THE PROSTITUTE #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon