CHAPTER 26

1.1K 32 2
                                    

"Alam ko," saad ko na ikinatawa niya ng marahan.

Tinaasan ko siya ng kilay ng pakawalan na niya ako. "Let's try that one."

Tinuro niya ang isang sinasakyan din dito. Nasira ang mukha ko sa nakita. No. I won't fucking ride that shit.

Ang taas nu'n at ayaw ko na namang masuka. Hindi naman sa takot ako sa matataas pero ayaw ko lang talaga.

"No fucking way!"

"Let's try another then. You choose," hindi niya ako pinilit.

Iginala ko ang tingin ko sa buong paligid. Ito ang una kong makapunta sa ganito kaya bakit hindi ko lubusin. Hindi naman masamang may gawin akong bago? This won't trigger my past, right?

Walang sabi ko siyang hinila sa gusto kong laruin. Tinuro ko iyon na pigil ngiti dahil nakabusangot na ang mukha niya.

"Subukan mo!" Hinila-hila ko siya na parang bata.

Isang baril-barilin ang napili ko. 'Yung babarilin mo 'yung mga stuff toys at kung ano man ang nabaril mo, 'yon ang kukunin mo.

"I never did that thing," reklamo niya.

"Come on. Then try something new," nginitian ko siya ng matamis. Tumitig lang siya sa'kin pero pumayag din.

Naghintay muna kami sa naglalaro. Nang matapos ay binigay ng isang lalaking nagbabantay doon ang baril kay Luca. Hindi naman 'yon totoong baril. 'Yon 'yung nilalagyan ng bala pero masakit pa rin kapag ginamit sa tao.

Pinanood ko siya pero napasimangot na lang ako ng wala siyang natamaan kahit na isa.

Binaba niya ang laruang baril at bumuga ng malalim na hininga. "See? I'm not good with this."

"Akin na nga." Nanguso kong inagaw sa kanya ang laruang baril at binayaran muna namin ang limang bala na gagamitin ko.

Nagtataka niya akong pinanood habang inilalagay ko ang mga bala. I'm not sure if I'm still good with this.

I was enrolled in a shooting class when I was thirteen. But eventually, I left everything of me behind. What for?

I have my new life now and I don't want to bring back anything from then. Masasabi kong mas maganda ang buhay ko ngayon kaysa noon. Kahit naging masaya ako sa mga oras na nasa puder niya ako.

Pinosisyon ko ang baril at inasinta ng mabuti ang gusto kong tamaan. Nang masiguradong tama ang ginawa ko, kinalabit ko na ang gatilyo.

Nahulog ang natamaan kong isang panda doll. "You know how to shoot?"

Hinarap ko si Luca na hindi maipinta ang mukha. Hindi siya makapaniwala na nakatingin sa'kin.

"Not really."

Pinosisyon ko ulit ang baril para sa ikalawang bala. Inasinta ko ang isang giraffe stuff toy at sa huli ay nakuha ko rin. Napangisi ako. I still know how to do this?

Ngiting-ngiting ako habang buhat-buhat ang limang stuff toys na pinanalunan ko. Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Nararamdaman kong pasulyap-sulyap sa'kin si Luca mula sa driver's seat.

Pauwi na kami. Marami pa kaming nilaro pagkatapos ng barilan na 'yon. We played basketball but he won that one. Ni hindi nga ako nakashoot kahit ni isa.

Nilaro rin namin ang iba pang barilan pero doon talaga ako nananalo sa kanya. Alam kong nagtataka na siya sa'kin pero hindi lang siya nagtatanong.

"You're happy."

It's not a question but a statement. Of course, ngayon lang ako nagkaroon ng mga ganito. Even when I was a little, my parents never both me toys and dolls. Wala raw silbi 'yon ayon sa kanila.

LOVING THE PROSTITUTE #1Where stories live. Discover now