1. Problem

3.5K 153 27
                                    

Reminder:
This is a work of fiction. Any resemblance to actual events, organizations or persons, living or dead, is entirely coincidental.

The opinions expressed are those of the characters and should not be confused with the authors.

Trigger Warning:
This chapter contains sensitive topics like rape and violence against women and children.

Readers discretion is advised.

▪︎▪︎▪︎

I get a little bit breathless
I shouldn't want it

▪︎▪︎▪︎

"Tapos ka na nang mangumpisal kay Father George?"

"Sister Asul," nakangiting lumapit naman ako sakanya, "Mano po."

Agad na iniiwas naman niya ang mga kamay at aaktong babatukan ako, "Sasapukin kita."

Tumawa naman ako ng mahina saka ko siya ikinulong sa mga bisig ko para bigyan ng mahigpit na yakap.

"Bitaw na. Hindi na ako makahinga."

"Oo na," Bumitaw naman ako kaagad at saka ko siya pinakatitigan, "Tsaka oo, tapos na ako mangumpisal."

"Eh ba't ang tagal mo sa reconciliation room?"

"Napasarap lang yung kwentuhan namin ni Father George," giniya ko si Sister Asul na maglakad kami sa may garden ng simbahan, "Tinanong niya lang kung ano yung mga pinagkakaabalahan ko sa mga nagdaang araw."

Mahinang tumango sya sa sinabi ko. Kakatapos lang ng second mass ngayong Linggo, hindi ako nakapagkumpisal kanina before ng holy mass kaya after ng mass nalang ako lumapit kay Father.

Tuwang-tuwa naman si Father George ng makita niya ako. Kaya after ko mangumpisal sakanya, nasundan pa 'yun ng mahaba-habang kwentuhan at kamustahan.

Naputol lang yung usapan namin ng tinawag na siya ng isa sa mga sakristan ng simbahan. May pupuntahan pa daw si Father George at magbibinyag daw ito ng bagong patayo na bahay sa kalapit barangay.

Hindi ko naman ito pinigilan. Pabirong sinabi ko rin kay Father George na mag-uwi siya ng maraming bring house foods at buhay na bisayang manok. Tinawanan lang ako ni Father at pabirong hinampas ang likod ko ng may kalakasan.

"Kamusta?" Tanong ko sakanya.

"Eto, mabuti naman. Alam mo naman na bahay, eskwelahan at saka kumbento lang kami parati," Isa rin kasi si Sister Asul sa mga madre na nagtuturo sa isang catholic high school ng religion class sa may Avenue District, "Ikaw, kamusta ka?"

Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang nangyari noong nakaraang araw sa may probinsya. The kidnapping incident and hilarious horror experience.

I didn't realize that I was grinning from ear to ear not until Sister Asul made a remark about it.

"Why are you grinning? May boyfriend o kaya girlfriend ka na no?" Kunot noong anas ni Sister Asul habang nakatingin sa mukha ko.

Inayos ko naman kaagad ang expression ko at mabilis na umirap.

"In your dreams."

"Hoy, maka irap ka saakin ah. Isusumbong kita kay Papa at Mama."

"Heh! Sumbungera."

Kinurot niya naman ako agad sa gilid ko kaya mas lalong nalukot ang mukha ko dahil sa ginawa niya.

Natahimik kami ng ilang sandali.

In My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon