4. worst behavior

2.1K 142 63
                                    

Trigger Warning:
This chapter contains violence, sexuality, and strong language.

Readers discretion is advised.

▪︎▪︎▪︎

Said baby it's just in my nature
To be a little troublemaker

▪︎▪︎▪︎

From Odin:
Indigo, I would greatly appreciate it if you becomes a cockblock to my sister's sexcapades tonight.

Muntik ko na maibato ang cellphone ko nang mabasa ang text ni Odin habang umiinom ako ng ladies drinks na inorder saakin ni Loki.

"Someone's getting laid with an asshole tonight."

My head quickly snaps in front when I heard Loki say those words beside me. It was Colleen who was getting dragged by her boy fling outside the VIP cocktail lounge.

Nalaman ko na hindi pala boyfriend ni Colleen ang aktor na kalampungan niya ngayong gabi.

Well, I'm not that surprised though.

Huminga ako ng malalim at saka mabilis na sumunod kina Colleen at ng sikat na aktor na si Marlon palabas ng lounge. Narinig ko naman ng mahinang tawa ni Loki pero hindi ko na 'yon pinagbigyan ng pansin.

"Asan sila?" Agad na tanong ko sa dalawang bouncer na nagbabantay sa pintuan ng lounge pagkalabas ko.

"Pababa na yun papuntang second floor, chief. Marami kasing mga vacant rooms doon na pinupuntahan ng mga lasing na guests galing private lounge para makipag chukchakan." Kwento pa ng isa na hindi ko alam ang pangalan.

Tumango naman yung isa at pinabayaan na magkwento ang kasamahan niya saakin. Napailing ako at mabilis na tinuro si boy kanta, kasi kanina ko pa napapansin na sobrang tabil ng dila niya.

"Ikaw boy kanta, sumama ka muna saakin sa baba."

"Boy kanta? Po?" Naguguluhang turo niya sakanyang sarili.

"Iwan mo muna yang si boy nganga at ako na muna yung samahan mo sa baba." Turo ko naman sa kasamahan nya na kanina pa tahimik sa pwesto nya.

"Pero-"

"Sasamahan mo ko o isusumbong kita kay ma'am Odin Zafeiriou?"

As far as I know, pinsan ni Odin ang may-ari nitong bar kaya hindi malayong alam nila kung sinong Zafeiriou ang tinutukoy ko.

"Sabi ko nga po sasamahan kita. Hoy! Valentine, ikaw na muna ang bahala dito."

Paulit-ulit na tumango naman si boy nganga sa sinabi ni boy kanta kaya mabilis na umalis kami para sundan sila Colleen sa second floor.

Tama nga na hinila ko si boy kanta kasama ko kasi siya yung nagtatanong sa mga nakakasalubong naming mga bouncer kung saang kwarto pumasok sila Colleen.

"Dito tayo, chief."

Mabilis na sumunod naman ako sakanya at nahinto sa tapat ng pintuan na tinuro ng kasamahan niyang mga bouncer.

"Bukas, chief."

Umawang ng konti ang pintuan habang hawak ni boy kanta ang door knob. Sumenyas naman ako sakanya na ako na ang mauunang pumasok kaya agad naman syang tumabi sa gilid at pinauna ako.

Taena, para kaming nagre-raid ng mga pusher ngayon ah.

"Hesus maryosep!"

Magkasabay na anas namin ni boy kanta ng makita namin na nasa ibabaw na ni Marlon si Colleen na naka bra't panty nalang at parang dancer ni Kuya Will kung gumiling sa ibabaw ng aktor.

In My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon