24. Quit

2.8K 166 117
                                    

Trigger warning:
Contains mature themes that include sensitive topics such as suicide and mental illness, that may cause distress.

Readers' discretion is strongly advised.

▪︎▪︎▪︎

They say, "You crazy, just leave him, he'll suffocate you." But I wanna be in your arms

▪︎▪︎▪︎

Despair drove people crazy.

"Indigo ..."

Tatlong beses na kinatok ni Ronaldo ang pintuan ng kwarto ni Indigo habang may dala siyang tray ng pagkain.

"Anak. Kumain ka na muna ng pananghalian mo."

As usual, wala na naman siyang narinig na sagot mula sa loob ng kwarto nito. He sigh and decided to put the tray of food in front of her room. Mukhang iiwan na naman niya ulit ang pagkain sa tapat ng kwarto ng anak.

Tatayo na sana siya mula sa pagkaka-squat ng wala sa sariling naitukod niya ang kaliwang kamay sa harapan ng pinto. Medyo malakas ang pagkakatulak niya dito, gagawin niya kasi sana itong suporta ng katawan niya sa pagtayo pero laking gulat nalang niya ng bumukas ang pintuan ng kwarto ni Indigo.

Hindi pala ito naka lock!

"Anak?"

Kumunot ang noo ni Ronaldo ng wala siyang madatnan sa loob ng kwarto. Ni anino nito ay hindi niya mahagilap. Bumilis ang tibok ng puso ni Ronaldo at nilukob ng matinding kaba ang buong katawan niya.

Asan si Indigo?

Then his eyes snap at the room's comfort room. The door was slightly ajar. Rinig niya rin na nakabukas ang shower ng cr dahil sa agos ng tubig na naririnig niya mula dito.

"Indigo. Nasa loob ng cr ka ba? Sumagot ka." Ronaldo's voice was firm even though his hands were shaking out of nervousness.

Nang wala siyang marinig na sagot galing kay Indigo ay walang pagdadalawang isip na nilakad niya ang cr at mabilis na tinulak ang pinto. Ronaldo was aware that he was invading her daughter's privacy pero isa siyang ama.

At kaligtasan ng pamilya niya ang priority niya sa lahat ng oras.

Nakabukas na shower at walang malay na Indigo ang bumungad kay Ronaldo pagkapasok niya ng cr. Dumbfounded, she was sitting in a pool of blood — the flesh on her wrists was cut open from the blade she was holding.

"Oh, Dios ko! Anak!"

Walang pagdadalawang isip na dinaluhan ni Ronaldo ang walang malay-tao na si Indigo sa basang sahig. Mabilis na kinandong niya ang basang katawan nito sa nanginginig na braso habang tinatapik-tapik ang pisnge ng namumutlang anak.

"INDIGO!!"

Hindi alintana sakanya na nababasa na rin siya ng tubig na nanggagaling sa shower. Mabilis na hinablot niya ang duguang blade sa isang kamay ni Indigo at agad na itinapon ito palayo sakanila.

He then quickly checks Indigo's open wounds. Malalim ang pagkakalaslas nito sa dalawang palapulsuhan at patuloy pa rin ang paglalandas ng preskong dugo mula sa sugat na kumakalat ngayon sa sahig ng banyo.

"Nak! Gising nak! Maawa ka saamin ng mama at mga kapatid mo!"

Paulit-ulit na tinatawag niya ang pangalan ng anak. Nagmamakaawa sa panginoon na sana hindi pa huli ang lahat. Then a miracle happened right in front his eyes.

In My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon