CHAPTER 1

4.3K 76 3
                                    

Kathryn's POV

Nandito ako ngayon sa Starbucks sa loob ng mall dahil kakagaling ko lang sa National Bookstore, bumili kasi ako ng mga pocket books kasi wala akong magawa kahit may dalawa akong kasama sa bahay. Kaya naghanap ako n mapagkakaabalahan.

Nakabili na ako ng coffee at cake kaya lumabas na agad ako. Pina-take out ko kasi mas gusto kong kumain sa bahay dahil tahimik doon.

"Fuck," kung minamalas ka nga naman, may nakabanggaan pa ako.

"Are you blind?" malamig na tanong nung lalaking naka banggaan ko kaya napatingin sa amin yung ibang tao dito sa loob ng mall.

Aba syempre hindi ako magpapatalo, ganonin ba naman ako.

"No, I'm not." kalmado kong sagot, narinig ko pang napa "woah" yung mga nakarinig ng isinagot ko sa kaniya.

Magsasalita pa sana yung lalaki kaya lang may tatlong taong biglang humawak sa akin mula sa likuran ko. Sa pabango pa lang ay alam ko ng mga babae ito at kilala ko sila dahil sa amoy ng pabango nila.

"Get off me or else." banta ko sa nakakainis na tono, agad silang napabitaw sa akin na nakapagpangisi sa akin.

"You're so cold as always." mataray na sabi ni Hannah sa akin habang nakahalukipkip ang mga braso.

Kilala ko sila dahil mga kaibigan ko sila noong nag-aaral pa lang kami, kaso nga lang ay nahiwalay na ako sa kanila nang matapos kaming mag-aral.

She's Hannah Pascual. Magaling siyang makipaglaro at magpaikot ng mga taong kaaway niya. Magaling siyang humawak ng kahit anong armas pero mas magaling siya sa mga daggers.

"Hindi pa kayo nasanay." masungit na sabat naman ni Jasmine habang nagbabasa ng libro.

Siya naman si Jasmine Castro, Jas for short. Magaling siyang mag-disguise, kahit laging libro ang hawak niyan marunong pa rin 'yan pag dating sa pag-aayos. Magaling din siyang gumamit ng iba't ibang armas. But she's much better with guns, she's good in archery also.

"How are you?" taas kilay ng tanong naman sa akin ni Clarise habang humihigop sa frappe na hawak niya.

"I'm fine," taas kilay at mataray ko ring sagot sa tanong niya.

And last but not the least, Clarise Romero, Rise for short. She's good in fighting and she's good in any weapons either, but she prefer katana and swords. She's also good in karate.

Paano ko nalaman? Simple lang, dahil nakita ko na lahat ng iyon. And I know that their mafia group is one of the powerful here in the Philippines.

"By the way, what are you doing here?" maligalig na tanong ni Hannah sa akin.

"I went to the National Bookstore." matipid na sagot ko, tumango naman sila.

"Ay oo nga pala, may ipapakilala kami sa iyo." nakangiting sabi ni Jasmime kaya napairap na lang ako at tsaka tumango.

Pinakilala nila sa akin yung nakabanggaan ko kanina na si Alexzander pero Zander na lang daw. Pati yung mga kasama nila na sina Jimuel, Danillo, at Hans na kapatid pala ni Hannah.

Si Danillo naman daw ang boyfriend ni Hannah, at 2 years na silang dalawa. Si Jasmine nililigawan ni Jimuel, at si Clarise naman nililigawan din ni Hans. Oh 'di ba, buti pa sila may lovelife, e ako wala. Sinabi rin nila sa akin na silang anim ay nagtatrabaho kay Alexzander at iba pa.

Nagpakilala rin naman ako sa kanila.

"Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila habang may nakapaskil na maliit na ngiti sa labi ko.

"Hindi pa," sabay sabay na sagot nilang mga babae.

"Let's eat, my treat." sabi ko at tsaka ako tumalikod at pumunta sa isang Italian restaurant.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 1) (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now