CHAPTER 24

943 39 1
                                    

Kathryn's POV

Nagtatakang nakatingin sa amin nila mommy si Alexa habang kandong siya ni Alexzander kaya tumawa ako at pinalapit siya sa akin.

Kumandong siya sa hita ko habang nakatingin kila mommy na kumakain kaya napatingin rin sa kaniya sila mommy at daddy.

"Hello Alexa," bati sa kaniya ni mommy at ngumiti.

"Hello po, kapangalan niyo po si mommy." sabi niya kaya natawa kami parehas.

"Baby, she's your lola and lolo." I told her while smiling.

"Lola and lolo? Like manang?" she curiously asked and I nodded.

"How?" she pouted that made me laugh.

"They are my mother and father." sagot ko na nakapagpalaki sa mga mata niya.

"Hi lolo and lola!" masigla biglang bati niya at lumapit kila mommy kaya natawa na naman ako.

Pinagmamasdan ko lang sila habang masayang nagkukwentuhan nang mapatingin ako sa ICU.

"I'll just go inside." paalam ko sa kanila at nagsuot ng gown na para sa mga bibisita sa ospital at tsaka pumasok sa ICU.

Naabutan ko si lolo na payapang natutulog, kaya lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Hi lolo," bati ko sa kaniya at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Alam mo ba 'lo, nung una kitang makita noong birthday mo, hindi ko alam pero feeling ko may connection tayo. Ang totoo pala, lolo kita at apo mo 'ko." kwento ko habang nakatingin sa kaniya.

Nagulat ako nang gumalaw ang isang daliri niya. Tumayo ako at tatawag na sana ng doctor pero nagulat ako nang hinawakan niya yung kamay ko.

Dahan dahang bumukas ang mata niya at tumingin sa akin. Dahan dahan ding may pumormang ngiti sa labi niya kaya napaupo ako.

"Lolo.." mahinang tawag ko sa kaniya na nakapagpangiti lalo sa kaniya.

"A-apo.. ko," tawag niya sa 'kin at tinaas ang nanginginig niyang kamay para hawakan ang mukha ko.

"N-na miss.. k-ka ni l-lolo." mahinang usal niya kaya hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko at ngumiti sa kaniya.

"I miss you more, lolo." sabi ko kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Pinunasan naman niya 'yon kahit nanginginig ang kamay at may kinuha sa bulsa niya.

A simple silver necklace. May pendant siyang butterfly.

"Your g-grand m-mother.. t-told me b-before.. that I s-should g-give.. it t-to y-you." he handed me the necklace.

"I g-gave it.. to h-her.. w-when I was c-courting h-her. N-now it's y-yours." dagdag niya pa.

Kinuha ko yung kwintas at hinawakan nang mahigpit.

"I l-love you. M-my one.. and o-only p-princess." he told me and gave me a genuine smile. I smiled back at him.

"I love you, lolo." I replied back that made his smile widen.

But my smile faded when he closed his eyes and I started hearing a flat line.

"L-lolo.. lolo! No! Lolo! Hindi pa ako nakakabawi sa'yo lolo! Lumaban ka lolo, please!" pagmamakaawa ko sa kaniya at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.

Biglang may nagtayo sa akin at pilit akong nilalayo kay lolo.

"Lolo!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa hawak ni Alexzander.

"Dad! Oh my God!" rinig kong sigaw ni mommy habang umiiyak at inaalo siya ni daddy na hawak si Alexa na umiiyak na rin.

"Let go of me!" sigaw ko at pilit na kumakawala kay Alexzander na yakap ako.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 1) (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now