CHAPTER 26

927 35 0
                                    

Hannah's POV

Mas nauna kaming umalis kila Kathryn, malapit na kami sa bahay nila lolo Louis nang mapansin naming nawala ang sasakyan nila tita Kath sa likod namin.

"Dani, mauna na kayo, hihintayin lang namin sila tita Kath. Nawala kasi sila sa likod namin." sabi ko kay Danillo pagkasagot niya sa tawag ko.

"Okay babe, sumunod agad kayo. I love you." sagot niya na nakapagpangiti sa akin.

"Tigilan mo nga 'yan, Hannah." saway sa 'kin ni kuya Hans na nakaupo sa driver seat kaya napairap ako.

Napatingin ako kay Jasmine na busy sa cellphone niya kaya kinalabit ko siya pero umusog lang siya para hindi ko siya maistorbo. Napairap na naman ako bago tignan ang cellphone ko.

Pinatay ko na ang tawag at ilang minuto na rin kaming naghihintay kila tita Kath, pero walang dumadating. Nagtataka na ako at tatawagan ko na rin sana si Kathryn para tanungin kung bumalik ba sila tita Kath doon.

Nagulat na lang ako nang napalibutan kami ng tatlong van at may lumabas na mga armadong lalaki. Sinipa ko si Jasmine kaya nag angat siya ng tingin at napatingin ng masama sa akin bago tumingin sa labas ng kotse. Sabay sabay naming binunot ang baril namin mula sa tagiliran namin.

"Who are you, morons?" kuya Hans asked them and pointed his gun at them.

Hindi sila sumagot at sinenyasan lang kami na bumaba, kaya bumaba kaming tatlo habang nakatutok pa rin ang mga baril namin sa kanila.

"Sumama kayo sa amin kung ayaw niyong masaktan." sabi ng isang lalaki kaya napairap ako at tinutukan siya ng baril.

"Why would we?" mataray na tanong ko sa kaniya na nakapagpangisi sa kaniya.

Bigla na lang sumugod ang mga nasa likod niya kaya agad namin silang binaril hanggang sa maubos ang bala namin. Nagkatinginan kaming tatlo bago ihagis ang mga baril namin at pumwesto para makipaghaban nang hindi gumagamit ng ano mang armas.

Nasisiyahan na ako sa pakikipaglaban nang biglang may dumaplis sa braso ko.

Napapikit ako nang mahawakan ako sa braso nung isa at pinaikot ako bago ako makaramdam ng paghahilo.

"Let go of my sister!" rinig kong sigaw ni kuya Hans bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Nagising na lang ako na nasa isang malaki na kaming kwarto. Kasama ko silang lahat, pati sila tita Kath at iba pa naming kasamahan. Maliban kila Danillo, Jimuel, at Clarise.

-----

Danillo's POV

Pagkababa ni Hannah sa tawag, saktong nakarating kami sa bahay nila lolo Louis, at nagulantang kaming tatlo nang makita namin ang mga tauhan ng Park family at iba pa naming kasama na nakahandusay sa paligid ng mansyon at naliligo sa sarili nilang dugo.

Nakaramdam ako ng kaba, kaya agad akong bumalik sa sasakyan at pinaharurot ito kung saan namin iniwan sila Hannah kanina.

Nasipa ko ang gulong ng kotse na sinasakyan nila Hannah kanina nang makita ko ang isang sulat na nakadikit sa salamin ng kotse at ang baril nilang tatlo sa kalsada.

"Masyado ka atang naabala sa libing ng lolo mo at nakalimutan mong may mga kaibigan at pamilya ka pa. - Montereal."

Agad akong bumalik sa mansyon nila lolo Louis at binigay sa kanila ang sulat na nakuha ko sa sasakyan nila Hannah. Katulad ko, ganon rin ang naging reaksyon nila nang mabasa nila ang sulat.

Agad kong tinawag sila Kathryn nang mahagip sila ng mata ko. Nang sabihin ni Alexzander ang lokasyon nila, agad kaming nagtungo doon.

Hindi na kami nag abalang tapusin ang mga nakabantay dahil alam naman naming kakayanin na 'yon ni Alexzander at Kathryn. Dumiretso kami sa kwarto kung nasaan sila Hannah at naabutan namin silang lahat na walang malay at nakatali.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 1) (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now