CHAPTER 16

1K 41 0
                                    

Kathryn's POV

"Good morning, Mr. and Mrs. Go." bati sa amin ng principal at mga staff ng school.

"Bakit po pala kayo nandito?" tanong ng isang staff.

"We'll enroll our daughter here." sagot niya kaya gulat silang napatingin kay Alexa.

"S-sure, Mr. Go." sagot ng principal.

"When is the first day of school?" I asked.

"Actually Mrs. Go, it's just started." sagot ng isang staff kaya napatango ako.

"Alright, papapasukin na namin siya bukas." I said.

Nag-usap lang sila sandali tungkol dito sa university.

"Let's go," Alexzander said.

Inalalayan niya akong tumayo sa upuan at binuhat niya si Alexa.

Hinatid kami ng staff hanggang sa pinagparadahan namin ng kotse.

Pinagbuksan kami ni Alexzander ng pinto sa backseat at passenger seat.

"Punta muna tayo sa mall, bumili muna tayo ng gamit ni Alexa." sabi ko sa kaniya.

Pagkarating namin sa mall, dumiretso na agad kami sa NBS para bumili ng kakailanganing gamit ni Alexa sa school.

Bumili ako ng bag, notebook, papel, lapis, pambura, krayola, at iba pang kailangan gamitin ni Alexa sa school.

Pagkatapos naming bilhin yung mga gamit na kailangan ni Alexa, kumain muna kami bago umuwi.

Hinatid kami ni Alexzander sa bahay dahil papasok siya ngayon.

Napapansin ko ring parang mas nagiging abala na nitong mga nakaraang araw si Alexzander.

Hindi ko alam kung may problema ba o wala, hindi naman kasi siya nagsasabi sa akin.

Buong maghapon, nag-ayos kami ng gamit ni Alexa para sa pagpasok niya bukas.

Excited na excited, sabi niya pa matutulog agad siya pagkarating ng daddy niya.

"May problema ba?" tanong ko kay Alexzander habang nakahiga kami sa kama.

Tulog na si Alexa kanina pa dahil gusto niya daw magising nang maaga bukas.

Si Alexzander naman kanina pa rin nandito sa bahay at nakakain na rin kami ng hapunan.

"Wala naman, bakit?" tanong niya at niyakap ako.

"Napapansin ko kasing nagiging mas busy ka ngayon." sabi ko at hinayaan siyang yakapin ako.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tahimik lang kami ng mga ilang minuto.

"Let's just sleep." sabi niya kaya pumikit na ako.

"Good night," sabi ko at tumagilid ng higa kaya yakap niya ako mula sa likod.

"Good night," sabi rin niya at hinapit ako palapit sa kaniya.

"Good morning, mommy, daddy!" rinig kong sigaw ni Alexa kaya bumangon ako sa kama.

Napansin ko rin ang pagbangon ni Alexzander.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 1) (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now