CHAPTER 23

971 36 3
                                    

Kathryn's POV

Nagsimulang magpaputok ang mga kasali sa Dark Organization kaya nagpaputok na rin kami at nagkagulo na sa loob ng venue.

Marami na ang nasawi na miyembro ng Dark Organization at wala pang nasasawi sa amin, pero may sugatan na.

Lumapit sa 'kin si Abbygail at tinutukan ako ng baril pero agad ko 'yong nasipa kaya tumalsik ang baril na hawak niya.

Ako naman ang nagtutok ng baril sa kaniya pero agad niya ring nasipa 'yon at tumalsik sa kung saan.

Ngumisi siya sa 'kin at umamba ng suntok pero nahawakan ko ang kamao niya at sinapak siya sa mukha kaya medyo napaatras siya at hinawakan ang ilong niyang nagdudugo na.

"You bitch!" sigaw niya at sumugod ulit.

"Yes, I'm a bitch!" sigaw ko pabalik at sinangga ang mga suntok at sipa niya.

Hindi niya pa ako natatamaan at masasabi kong kailangan niya pa nang matinding ensayo.

Tumigil saglit si Abbygail at tumakbo papunta sa baril niya na tumalsik sa kung saan kaya ganon din ang ginawa ko.

Pagkakuha namin ng baril, agad namin itong tinutok sa isa't isa. Natigilan ako nang mapatingin ako sa gawi ng daddy ni Abbygail na si Alejandro.

May hawak siyang baril at nakatutok ito sa likod ko kung saan naroon ang stage, agad bumilis ang tibok ng puso ko kasabay nang pagkalabit ng gatilyo ni Alejandro.

"Oh my God!"

"Dad!"

"Lolo Louis!"

"Mr. Park!"

Agad akong napatingin sa likod ko nang halos sumigaw ang lahat ng tao habang nakatingin sa likod ko.

Umawang ang labi ko kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Napatulala ako kay lolo Louis na naka handusay sa sahig at may tama ng baril sa bandang puso.

Agad na tumakbo ang lahat sa gawi ni lolo Louis.

Nagdilim ang paningin ko at parang gusto kong patayin si Alejandro.

Nakita ko namang napatingin sa gawi ko si Alexzander na gulat rin sa pangyayari.

"Let's go, Abbygail!" matagumpay na sigaw ni Alejandro kay Abbygail na nakatingin sa akin.

Agad namang sumunod si Abbygail sa kaniya at umalis.

Pagkaalis nila, agad akong tumakbo sa taas ng stage at lumapit sa pwesto nila lolo Louis.

"Lolo.." tawag ko dito at hinawakan ang mukha niya.

Nakangiti siya sa 'kin, isang masayang ngiti na nakapagpatulo lalo ng luha sa mga mata ko.

"Lolo, dadalhin ka namin sa ospital. 'Wag kang mawawala 'lo, hindi pa pwede." iyak ko, pero nakangiti lang siya sa akin.

"Mom, dad, please, let's bring him to the hospital." pagmamakaawa ko kila mommy at daddy.

Yes, they're my real family. Nalaman ko lang nung kinuwento sa akin ni manang nung umuwi ulit siya sa bahay.

Gulat lang silang nakatingin sa akin kaya tumingin ako kay Alexzander na nagmamakaawa ang mga mata para tulungan akong dalhin sa ospital si lolo.

Agad naman siyang lumapit sa pwesto namin at tinawag sila Hans para tulungan siyang magbuhat kay lolo.

"Dahan dahan lang, please." sabi ko habang palabas kaming lahat ng venue.

Agad kaming nakarating sa ospital at nasa operating room na si lolo. Nang makita nila kami agad nilang inasikaso si lolo at nagtawag pa ng magagaling na doctor mula sa iba't ibang ospital.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 1) (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now