CHAPTER 13

1K 51 0
                                    

Kathryn's POV

"Mommy, where are we going?" excited na tanong sa akin ni Alexa habang nakaupo sa tabi ko.

"To your real parents grave." I smiled.

Nagtataka siyang tumingin sa 'kin pero nginitian ko lang siya.

Nakarating na kami doon at inalis ko yung mga kalat sa puntod nilang dalawa.

"Kumusta kayong dalawa diyan?" tanong ko kaya inosenteng tumingin sa akin si Alexa at tumingin doon sa puntod ng mommy at daddy niya kaya natawa kaming lahat pati na rin si Alexzander.

"Mommy, magsasalita ba 'yan?" tanong niya kaya napatawa ako lalo.

"No baby, pero pwede mo silang kausapin." sabi ko.

"Lexa, Allen, malaki na si Alexa. At kasama ko na siya ulit dito. Ang laki na 'no? Nakuha mo nga ang itsura Lexa, pero kay Allen naman ang ugali." kwento ko sa kanila.

"Alexa, say hi to your mommy and daddy." sabi ko at tumingin kay Alexa.

Ngumiti siya sa 'kin bago kausapin ang mommy at daddy niya na nakapagpangiti sa akin.

"Hello mommy, daddy. I'm Alexa po, kamusta po kayo diyan? Masaya po ba diyan? Gusto ko po kayo makita ulit. Ang bait po ni mommy Kath at daddy Zander sa akin. Love na love nila akong dalawa kahit hindi nila ako tunay na baby. Love niyo rin po ba ako? Pero ako love ko rin po kayo kahit hindi ko po kayo nakikita at nakakasama. Sabi kasi sa akin ni mommy, mabait daw po kayo at mahal niyo rin ako. Kaya love ko rin po kayo." mahabang kwento ni Alexa sa kanila na mas nagpangiti sa 'kin.

Lumakas ang hangin kaya napahawak ako sa braso ko at ngumiti.

Just embrace us. I miss the both of you.

"Kath?" narinig ko ang boses ni Abbygail kaya napalingon ako at nakita siyang may hawak na bulaklak habang nakatingin sa amin.

"What are you doing here?" I asked coldly.

"I'm here to visit Lexa and Allen." mahinang sagot niya at dahan dahang lumapit sa amin.

"Let's go, baby." sabi ko at binuhat si Alexa.

Tumalikod na ako at susunod na sana sila sa akin paalis nang tawagin ako ni Abbygail.

"Kath wait, please let me explain." nagmamakaawa niyang sabi sa akin at parang may tutulo na namang luha sa mata niya.

I can't take it. Hindi ko kayang makitang umiiyak ang isa sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko pa siya kayang patawarin at pakinggan.

"Bigyan mo pa ako ng oras Abbygail, hindi ko pa kayang pakinggan ang mga sasabihin mo. Si Lexa muna ang kausapin mo." sabi ko at dire-diretsong naglakad papunta sa sasakyan at agad pumasok sa loob.

Hindi ko mapigilan ang pag-agos nang luha sa mata ko kahit nakatingin sa akin si Alexa.

"Mommy, don't cry please." sabi niya at umiiyak na rin siya kaya niyakap ko siya.

Nakatingin sa amin sila Clarise at umupo sa tabi namin si Alexzander.

"Hey baby, don't cry. Hindi na iiyak si mommy." sabi ko at pinatahan siya.

Pinunasan ko ang luha ko at lakas loob na ngumiti kay Alexa.

Paalis na sana kami nang makarinig kami ng putok ng baril.

Si Abbygail.

Binigay ko agad kay Hannah si Alexa at bumaba ako sa sasakyan.

Nakita ko si Abbygail na nakikipagbarilan sa mga armadong lalaki kaya agad akong lumapit sa kaniya.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 1) (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now