Chapter 2

135 12 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas na nakatulog si Tin sa bahay namin. Bumalik ulit ako sa pagtatrabaho as usual ganon pa din naman ,nagiging mabenta lalo ang coffee shop ni Maam Freya.

Nandito ako ngayon sa locker dahil matatapos na yung shift ko ngayon. Dahil nagpaalam ako kay Maam Freya na hapon ako aalis sa coffee shop dahil nagpapasama si Tin sa akin na samahan ko siyang manood ng car racing.

"Sige Claudette ,ingat ka na lang huh!"sabi ni Maam Freya kaya ngumiti ako"Salamat po Mam."yumuko ako bago umalis.

Paglabas ko as usual nasa harapan ko na ngayon si Tin na nakamaong short and off shoulder at nakangiti pa siya sa akin.

Ang creepy!

"Claudette ,tara na?"aya niya sa akin at napabuga na lang ako ng hangin.

Di ko alam kung bakit naisipan niyang manood ng car racing ngayon gayong ,di naman siya mahilig sa ganito.

"Bakit naisipan mong manood ng car racing?"tanong ko sa kanya ,"Sa pagkakaalam ko di ka naman mahilig sa ganito?"

Nakita kong nginisian niya ako. Napakunot ang noo ko what the heck!

"Eh ,balita ko kasi na dito mismo sa lugar niyo na may laban ang favorite car racing ko na si G!"kilig na sabi niya.

What?

"G?"

Tumango siya ,"Oo si G ,dito mismo yung laban niya."

"Gwapo ba?"tanong ko sa kanya at ngumisi siya ,"Hoy wag mong lagyan ng meaning yun! tinatanong ko lang."

Mahirap na baka lagyan pa niya ng meaning yung pagtatanong ko sa kanya.

"Defensive mo naman masyado!"natatawang sabi niya ,"But anyway ,kung sinasabi mong gwapo... di ko masasabi kasi mailap siya sa mga tao ,atsaka wala pang nakakakita ng mukha niya kumbaga may pagkamysterious type siya."

Tumango ako ,"Like ,laging naka facemask?"

"Exactly!"

Wow! ang famous naman niya kung ganon.

"Halika na nga ,baka malate pa tayo!"sabi niya sa akin sabay hila sa akin.

"W-wait ,hindi ba tayo magkokotse para makapunta doon?"tanong ko sa kanya at bumaling siya sa akin.

Umilng siya ,"Hindi na ,malapit naman dito yung lugar na ilalaban nila. Wag ka ng maarte diyan ,remember sanay ka maglakad kaya okay na ito."

Kaya wala na akong nagawa dahil naglakad talaga kaming dalawa. Habang naglalakad kami ay naisipan naming dalawa ni Tin na bumili ng ice cream dahil nagutom kami kasi naglalakad lang na halos trentang minuto na.

"Dapat nagkotse na lang tayo ,kalahating minuto tayo naglalakad dito oh!"reklamo ko sa kanya habang kumakain ako ng ice cream. Di ko naman kasi alam may kotse naman siya tapos naglalakad kami ,naniwala akong malapit pero tignan mo pagod na pagod na kami.

Hinampas niya ako ng braso ,"Alam mo ang arte mo na ngayon. parang dati lang ayaw mong sumakay ng kotse ko tapos ngayon nagrereklamo ka diyan!"

I rolled my eyes.

"Nagsasabi lang kasi ako ng totoo. Alam mo ang scam mo sabi mo malapit lang dito pero inabot na tayo siyam siyam kalalakad dito."irap ko sa kanya.

She chuckled ,",Medyo makapal ang mukha mo sa part na kasalanan ko pa na di ako nagkotse!"

"Totoo naman kasi!"

"Atsaka ,di naman porket na sinabi ko na malapit dito eh malapit talaga? diba pwedeng sinabi ko lang dahil trip ko lang?"dagdag niya kaya sa sobrang inis ko ay nabatukan ko siya.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now