Chasing Two

77 43 0
                                    

CHASING TWO

"MAYBE I can help?" napatingin kami sa nagsalita at tinitigan ko lang ito.

"Z-zach?" gulat na tanong ng kapatid ko at tila ba parang namula siya. May hindi ba ako alam? Umupo siya sa tabi ni Kein na ngayon ay hindi mapakali. "Ano bang problema?" tanong nung Zach at binalingan silang dalawa sabay sa'kin.

"Hi, new friend ka ba nila?" tanong nito pero umiling lang ako, aminado ako na mapili ako sa mga taong gusto kong kaibiganin. Minsan ayaw kong nakikipag usap pag hindi ko feel ang awra nila.

Mas gusto kong ako na lang mag isa kesa may kaibigan, ayaw ko sa mga plastic na tao. Pwede na kasi silang i-recycle makakatulong pa sila sa ekonomiya ng bansa di'ba.

"Ah, she's my sister" sabi ni Kein na tinanguan lang ni Zach. "Nice meeting you, Zach nga pala. Zacharry Viel Waltz" pakilala nito tinanguan ko lang siya at nginitian

"Xaylaine Klein Chua, Xay na lang" sagot ko tinanguan niya lang ako. "Yung kinkwento ni Elle na twin sister niya na nasa America?" tanong ni Zach

"Oo yung kasama ng daddy nila" sagot naman ni Sapphire siguro mga friends 'to ng kapatid ko? Yes, wala akong taste sa mga tao pero mukhang mapapagkatiwalaan naman sila kaya pwede na din at isa pa they are my sister's friends.

"So? Ayun na nga ano bang libro ang hinahanap mo?" tanong ni Zach kay Sapphire na problemadong problemado na. "Kailangan ko na ang book na yun, but nung nagpunta ako sa bookstore last book na siya! May isang guy na kumuha nun!" sabi ni Sapphire na gigil na gigil

Nilibot ko na lang ang paningin ko dahil hindi naman ako chismosa para makinig sa usapan nila noh? Atsaka ang bastos ko naman kung mag cellphone ako sa harap nila? hindi ako pinalaking bastos ni Dad.

Nilibot ko lang ang paningin ko ng mahagilap ng mata ko ang isang store. Pupunta pala muna ako doon nag uusap pa naman sila, tumayo ako kaya natigil sila at napatingin sa'kin.

"Ahm, punta muna ako sa labas Kein may titignan lang" sabi ko tumango naman ito kaya nginitian ko na lang ang mga kasama niya. Binitbit ko na ang mga paper bag na dala ko at ang shoulder bag ko. Lumabas ako ng Resturant at dumiretso sa may stall na tinititigan ko kanina.

"Good day ma'am" sabi ng sales man ngumiti naman ako sa kanya "Good day sir" sabi nito kaya napa-kunot ang noo ko at nilingon ang kasunod ko at agad nanlaki ang mata ko ng makita kung sino yun?

O to the m to the g bat siya nandito? Ay tanga malamang mall ito Xaylaine!

"Excuse me? Your blocking my way" cold na sabi ni Evance sa'kin kaya gumilid ako. "Ah I'm sorry" sabi ko pero nilagpasan niya lang ako hindi niya ata ako namukhaan kaya ganyan dibale na lang.

Dumiretso ako sa may mga stuff toys and I found the thing I want. Nilapitan ko yun at kinuha ang lambot niya. Oh my gosh.

A bear stuff toys hindi siya mabalahibo kaya maganda siya yakapin. Naglibot pa ako at nakita ko ang isa pang bear.

"Ang ganda niya" sabi ko at kinuha ang bear na kumikinang full of crystal. Kinuha ko yun at tinitigan wow ano namang purpose nito? Kumikinang lang? I guess so?

"It's microphone" napatingin ako na sa nagsalita and its Evance lumapit siya sa'kin at kinuha ang hawak kong bear na kumikinang. "Microphone?" tanong ko dahil paano? Ang astig naman?

Xay parang kakababa mo lang ng bundok?

"It's acutually microphone's dress, cover for example" sabi niya, jusko english na lang ba siya habang buhay? Di pwede tagalog? I used to live in America so I can answer him in English! Kahit mag debate pa kaming dalawa dito na English ang words. Atsaka kilala niya ba ako? Or nilapitan niya lang ako dahil di ko alam yun?

Chasing Someone Special (Dare Series One)Where stories live. Discover now