Chasing Twenty-Eight

58 41 1
                                    

CHASING TWENTY EIGHT

I STILL feel the pain inside my chest.

I wanted to go to them and slap him hard then grab that bitch in hair, but how can I?

Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng paa ko pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na tulalang naglalakad at lutang sa kawalan.

Napa-upo ako sa may mga bench na nadaanan ko, nasa labas na ako ng village namin at hindi ko na alam kung saan ba ito.

Its still ache, the pain, the betrayal, the cheating. Bakit? Anong mali?

Pinipigilan ko ang luha ko na pumatak, "No Xay, never let your tears drop, your in public, they must think your out of your mind" pagka-usap ko sa sarili ko.

Pinilit ko pa ring punasan ang mga luha ko kahit na nanginginig ang mga kamay ko. Paulit-ulit na nagplay sa utak ko ang mga nangyari kanina.

Sobrang sakit, bakit? Yun lang ang naisip kong rason kung bakit? Masaya naman kami kahapon? Masaya naman kami? Wala naman kaming problema.

Naramdaman ko naman na nagvibrate ang bag na dala ko at nakita ko dun ang cellphone ko na nag riring.

Napatitig ako sa cellphone ko ng tumunog yun at ng makita ko ang caller id ay agad kong pinatay yun.

Ayokong isipin na si Dad ang may gawa nun. Na baka tinakot niya si Evance? Na baka pinapalayo niya sakin o ano. Ayoko siyang sisihin ng wala akong sapat na ebidensya.

Pero habang tumatagal ay naiisip ko na baka siya nga? Na baka totoo nga?

Pero bakit? Dahil anak siya ng first love ni Dad? Dahil ayaw niya sa mga Bautista? Dahil ayaw niya kay Evance?

Gulong gulo na ako, I really need an answer from them.

"Masama ang mag-paulan sa daan" napatingin ako sa nagsalita at nakita kong si Kenchie yun. May dala siyang payong at nakasilong na ako dun.

Di ko namalayan na umuulan na pala, hindi naman siya ganoon kalakas, ambon lang.

"Kung di kita kilala, iisipin kong baliw ka dyan, na trip lang magpa-ulan" sabi niya at naupo sa tabi ko habang naka payong pa din.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at binalingan siya, "Balak ko sanang puntahan si Evance sa bahay nila, atsaka ikaw na din, kaso nakita kita dito"

Nang marinig ko ang pangalan ni Evance ay lalo lang akong nadurog. Naalala ko ang nangyari

"Okay ka lang ba? May problema ba kayo? Did you cry? Why?" tanong niya at naramdaman ko na lang na pinunasan niya ang luha ko na pumatak na pala.

Hindi ko na napigilan at naiiyak na talaga ako, niyakap niya ako at binitawan ang payong. Naramdaman ko na lang na sobrang lumakas ang ulan sabay ng pagbuhos ng luha ko.

"It's okay Xay, let it out, I'm here, tell me, what's wrong? Tell me, I'm all ear" sabi ni Kenchie at hinagod pa ang likod ko, lalo lang akong naiyak.

Niyakap ko din siya at sa balikat niya umiyak, sobrang sakit.

"Is it because of Evance again? Your always wasting your tears for someone who doesn't deserve you"

Iyak lang ako ng iyak sa braso niya at siya naman ay hinahagod lang ang likod ko.

Di namin alintana ang sobrang lakas na ulan. Pareho na kaming basa pero wala kaming pakealam sa mundo.

Hindi ko din magawang ikilos ang katawan ko para kunin ang payong o kaya sabihin kay Kenchie na basa na kami.

Chasing Someone Special (Dare Series One)Onde histórias criam vida. Descubra agora