Chasing Thirty-One

55 41 0
                                    

CHASING THIRTY ONE

"XAYLAINE?"

At ang lakas pa ng babaeng to na tawagin ang pangalan ko?! Tinignan ko lang siya ng walang emosyon at umalis na sa harap niya.

"Ano may nabili ka ba?" tanong ni Fin sakin ng makalapit ako sa kanya. Umiling naman ako dahil yung gusto ko sana ay mukhang gusto din ng iba.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo?" bungad agad ni Finley sakin pero nakasinamgot pa din ako "Maybe she saw a piece of past? HAHAHA" singit ni Ash na ang hinuha ko ay nakita niya din.

"Tara na at nakapili na daw si Charm" sabi ni Chloeh kaya sinundan na lang namin siya. Nakabili sila at ako lang ang hindi dahil nabadtrip ako sa nakita ko kanina.

"Saan ang next? Ikaw Xay? Saan mo gusto?" tanong ni Charm kaya napatingin sila sakin. "Kahit saan, nagpunta lang naman kami dito ni Chloeh ay dahil sa outfit namin, atsaka galing kami sa site" sabi ko.

"Site? Napapunta ka ni Chloeh sa site? Really?" tanong ni Ash at natatawa pa pero inilingan ko lang siya. Pagkatapos namin sa Gucci ay sa Louis Vuitton naman kami nagpunta.

"We should buy this" sabi ni Charm at tinuro ang bracelet na may design na infinty "Ikaw magbayad ah? Sampu tayong lahat" sabi ni Chloeh kahit kailan talaga.

"Hindi na pala"sabi ni Charm natawa naman kami, nilapitan ko yun at tinignan "How much?" tanong ko sa sales lady na nandun at tinuro ang bracelet.

"20,679 pesos ma'am" sagot ng sales lady grabe naman hays, "But Ma'am we have a better offer for you we have a discount 10%off now if you buy 50,000 pesos" sagot ng sales lady.

"Can I touch the bracelet?" tanong ko tumango naman ang sales lady at nilabas ang bracelet. "Bibili ka?" tanong ni Ash hinawakan ko naman ang bracelet na yun. Maganda, its a silver bracelet.

"I'll buy this, can you give me ten bracelets" sabi ko, tumango naman ang sales lady sakin at nagpaalam na kukunin ang binili ko.

"Xay niyo payaman na" sabi ni Chloeh tinawanan ko lang siya hay naku kahit kailan talaga ang mga ito. "Mukha naman kasing gusto niyo, kaso nag tuturuan kayo kaya ako na lang ang bibili para sa inyo" sabi ko.

"Ito po Ma'am" sabi ng sales lady at pinakita ang sampung bracelet "Sige, bibilhin ko na yan" sabi ko at binigay ang card ko.

"Ayaw mo ng cash?" tanong ni Ash napailing na lang ako "Magbibilang pa ako dito? Pwede namang card na lang" sabi ko pero ang mga loka loka ay tinawanan lang ako.

"Ingatan ang human gold, ooppss" sabi ni Charm at nag-ala guard pa sa tabi ko. "Ako tigil tigilan niyo baka bawiin ko ang binili ko" sabi ko kaya tumabi naman sila.

"Joke lang" sabi ni Fin dumiretso na lang ako sa counter at hinintay ang binibili ko, naibox na nila yun per piece. "Thank you Ma'am" sabi ng cashier kaya tumango na lang ako.

"Sa inyo yan" sabi ko at inabutan sila ng tag-iisa nila at ang mga loka loka akala mo naman ngayon lang naka received ng gift.

"Thank you Xay" sabay-sabay na sabi nila at niyakap pa ako hay naku. "Fin ikaw na lang ang mag-abot kay Zha, At Ash ikaw na lang ang mag abot kay Sammy masyado kasing busy ang dalawang yun lalo na si Sammy na busy sa kanyang alam niyo na" sabi ko

"Kaya nga, when kaya tayo?" sabi ni Charm at kumapit pa sa braso ko "Meron ka naman na, apaka nito" sabi ni Chloeh pero inirapan lang siya ni Charm.

"Ikaw? Kamusta si Mr. Doctor? Any updates?" tanong ni Fin at inasar pa si Chloeh "Aba malay ko ba" sagot agad ni Chloeh pero tinawanan lang namin siya.

"Kain na ulit tayo" aya ni Ash samin na akala mo ay hindi kami galing sa restaurant "Sa Venuetiful Restaurant ulit tayo para may discount want mo?" sabi ni Charm pero inirapan lang siya ni Ash.

Chasing Someone Special (Dare Series One)Where stories live. Discover now