Chasing Thirty-Seven

53 36 0
                                    

CHASING THIRTY SEVEN

"XAYLAINE!"

Alam ko na agad kung sino yun kaya nung nilingon ko ay nakita ko si Ash na takbo na ang ginawa at niyakap ako. Ang babaeng to talaga akala mo di kami nagkita.

"Nadala ko na ang mga damit mo, lima lahat" sabi niya at inabot saken ang isang bag. "Bakit lima?" tanong ko dahil parang dalawa lang ang sinabi ko? "Hayaan mo na, Welcome babe!" she said so I just nodded at her

"Nagluto kayo?" tanong ni Mark kaya napalingon ako sa kasama ko naka-apron pa rin si Evance samantalang ang akin ay tinanggal ko kanina.

"Nag bake lang ng cupcakes" sabi ko at pinakita sa kanila ang gawa ko "Want some?" sabi ko kumuha naman sila ng tag-isa at kinain yun "Yummy" sabi ni Ash at nag thumbs up pa.

"Bakit hindi ka magtayo ng business mo? Tutal yun naman trabaho mo?" tanong ni Mark naka-upo na sila ni Ash sa may high chair. Kinakain na ni Evance ang ginawa niya.

Kumain na lang din ako ng gawa ko "Di ko alam, inaasikaso ko pa din kasi ang business ni Dad, siguro sa susunod na lang?" sabi ko dahil nag plano naman ako na mag tayo ng business ko kaso iniisip ko pa ang company ni Dad.

"So? Anong ginawa niyo dito? I mean, nandito lang kayo? Di kayo lumabas?" tanong ni Ash habang kumakain pa din. "Kahapon, ginala namin ang mga aso, and we stay here night until now" si Evance ang sumagot at tango lang ang ginawa ng dalawa.

"Mag stay ba kayo dito?" tanong ni Evance kaya binalingan ko ang dalawa. "Nagpasama lang naman ang isang to" sabi ni Mark at tinuro si Ash "Oo na ginulo ko na, wala akong kasama eh" sabi ni Ash kaya napa-iling na lang si Evance sa kanila.

"Uuwi din naman kami mamaya, ikaw ba Xay?" tanong ni Ash nag dalawang isip naman ako, baka hindi na naman ako paalisin ng mga aso "Baka? Pag hindi umulan, uuwi na ako" sabi ko tumango naman si Ash.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano at si Evance at Mark na ang naglinis ng kusina nagpasama naman si Ash sa kwarto niya.

"Ano? Comeback na ba kayo?" tanong niya ng makapasok kami sa loob, tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Hindi ah, saan mo naman nahanap ang balitang yan?" tanong ko dahil fake news ang article na nabasa niya "Ngayon? Hindi na ako magugulat sa kanya ka na naman" sabi niya na inilingan ko lang kahit kailan talaga ang babaeng to.

"Ewan ko sayo, kung sa sarili mo yan ang sinasabi mo" sabi ko pero inirapan niya lang ako "Xay, tapos na ako dyan" sabi ni Ash kaya natawa ako

"Bagay talaga kayo, dapat ikaw ang kinukuha niyang artista" sabi ko

Sinamaan niya lang ako ng tingin pero tawa pa din ako ng tawa "Ash pareho lang naman tayo, magka-iba nga lang, gaya nga ng sabi ni Fin, we may face the same problems but in different situation" sabi ko dahil yun ang palaging sabi niya sa amin.

Pagkatapos niya doon ay nagpasama naman siya sakin sa labas, kung saan-saan na naman ako dadalhin ng babaeng to. "Pupunta ka ba sa reunion?" tanong ni Ash kaya doon ko naalala ang isang occasion na kailan kong puntahan.

"Oo ata, ikaw ba?" tanong ko nagkipit balikat naman siya "Actually hindi ko din alam, paniguradong nandun yun, baka madaming media" sabi ni Ash tinapik ko naman ang balikat niya.

"We got you, para saan pa at nandyan si Sapp? Si Ashton? Si Vince? They can protect you, we can" sabi ko ngumiti naman siya ng bahagya. "Kaya nilang gawin yun? Para sa akin? Paano kung kaibigan na nila yun?" sabi ni Ash.

Halata sa kanya na ayaw na niya nun, ang bagay na paniguradong sumira sa kanya at muling sisira sa kanya.

"You can handle that, I believe in you, si Sammy ang nag schedule nun ako na ang kakausap sa kanya I'm sure magagawan yun ng paraan kahit na nandun pa sina Kein at Chelsey" sabi ko tumango naman siya.

Chasing Someone Special (Dare Series One)Onde histórias criam vida. Descubra agora