Chasing Twenty-Four

60 42 0
                                    

CHASING TWENTY FOUR

"GOOD MORNING" bati ni Ash sakin ng makalabas ako sa banyo at kakagising niya lang. "Good Morning din" sabi ko at sinara ang naka-bukas kong cabinet.

"Good Morning" biglang sulpot ni Charm at pumasok sa kwarto namin at tumabi kay Ash, umupo ako sa may upuan sa may harap ng vanity.

"Present" sabi ni Chloeh at pumasok din sa kwarto namin kasunod si Sapp at si Fin na halatang bagong gising, umupo naman si Chloeh at Sapp sa sofa, samantalang si Fin ay humiga pa sa kama.

"Anong balita?" tanong ni Kein at ng makapasok ay sinara niya ang pinto. "Oh? Anong meron at lahat kayo ay nandito?" tanong ko habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya.

"Si Ash kaya ang nagpapunta samin" sabi ni Sapp at tinuro pa si Ash na naka-upo sa kama. "Sinabihan niya kami, kagabi na pumunta daw agad kami sa kwarto niyo ng umaga" sabi ni Chloeh.

"Ash told us that she saw you and Evance kissing in front of the bonfire last nig—" Fin cut her words by Kein.

"What?! Really?!" gulat na tanong niya at nilapitan pa ako at hinawakan ang balikat ko. "Oh my gosh" sabi ni Charm na gulat din.

"You two are official?" gulat na tanong ni Sapp sakin "Hoy, gaga, totoo nga?" tanong ni Kein habang inaalog ang balikat ko.

"Kumalma nga kayo" sabi ko at umatras naman si Kein at umupo na din ng maayos si Fin.

"Pero alam ko di talaga ako niloloko ng mata ko" sabi ni Ash napa-buntong hininga na lang ako, hays, ang mga ito pag chismis ang bilis.

"Ash is telling the truth about last night and if you all are asking if were in a relationship right now? Then my answer is yes, were in a relation—" I cut my words when all of them shout out me.

"WHAT?!" gulat na tanong nila at sobrang nakakabingi nun kaya napatakip ako sa tenga ko, grabe anim sila, isa lang ako.

"How? I mean, paano mo siya sinagot?" tanong ni Kein at halos lahat sila ay naghihintay sa sagot ko.

"Edi kung paano" sagot ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila "Charm? Paano mo sinagot si Mark noon? Baka same lang kayo ni Xay?" sabi ni Ash kaya binato siya ni Charm ng unan.

"Ako na naman ang nakita niyo" sabi ni Charm at tumayo "Nagtaka ka pa, ikaw lang naman nagka boylet satin, ngayon lang si Xay so it means may karanasan ka na" sabi ni Fin.

"Bakit hindi si Chloeh? Naranasan na rin naman niya?" sansala ni Charm

"It's not a serious relationship, its just a fling and past time dzuh" sagot agad ni Chloeh, napa-iling iling na lang ako sa kanila.

"Napag-iiwanan tayo" sabi ni Sapp kaya natawa kami "Nandyan naman si Vince" sabi agad ni Kein pero binato siya ni Sapp ng unan na nasa sofa.

"Pwede wag ngayon? Umaga pa" sabi ni Sapp at umirap pa "Sige, mamayang gabi na lang okay? Mamayang gabi guys" asar ni Kein kaya natawa kami

"Girls, the breakfast is ready" sabi ni Mark na sumilip sa kwarto "Susunod na kami" sabi ni Fin kaya tumango lang siya at sinara ulit yun.

"Kulang talaga ang kwento ni Xay" sabi ni Ash kaya nailing-iling akong tumayo at pumasok ulit sa banyo para isampay ang tuwalya na ginamit ko.

Nang makalabas ako sa banyo ay saktong kalalabas lang nila, si Ash na lang ang natitira na inaayos ang kama.

"Tara na" sabi ko tumango naman siya at inayos muna ang sarili niya bago kami sabay umalis sa kwarto. Nang makababa ay dumiretso kami sa kusina

Chasing Someone Special (Dare Series One)Where stories live. Discover now