Chasing Nine

56 42 5
                                    

CHASING NINE

MINULAT KO ang mga mata ko at puro puti ang nakita ko "Xay" rinig kong sabi ni Finley at inalalayan akong umupo nilibot ko ang paningin ko puro puti ito at may combination ng sky blue.

"Nasan ako?" tanong ko dahil hindi familliar ang kwarto umupo si Finley sa gilid ng kama na hinihigaan ko.

"Nasa kwarto kita" sabi niya kaya nagtaka ako paano ako napunta dito? "Bakit?" tanong ko ang huling naalala ko ay nasa school pa ako at pinagtripan ng mga estudyante.

Wait?! School?!

Napatingin ako sa suot ko t-shirt at pajama na ito "Pinalitan na kita kase sobrang dumi ng uniform mo, dinala ka dito ni Kenchie at ang sabi niya nawalan ka daw ng malay" sabi niya kaya nagtaka ako, si Kenchie ang nagligtas sakin? Siya ang tumawag sa pangalan ko bago ako mawalan ng malay?

"Wag kang mag-alala papunta na dito si Xayrille, tinawagan ko na siya kanina" sabi ni Finley nakahinga naman ako ng maluwag "Ilang oras na ba ako nakatulog?" tanong ko dahil ang dilim nasa labas

"4:32 na, dinala ka dito ni Kenchie ay mga around 12 to 1 so mahigit 4 to 5 hours kang tulog" sabi niya nanlaki naman ang mata ko 4 to 5 hours?! Grabe naman yun?

"Excuse ka na ngayon sa mga klase mo ngayong araw si Ash na ang umasikaso nun" sabi ni Finley na tinanguan ko lang bigla namang bumukas ang pinto at si Kein ang bumungad samin at agad siyang lumapit sakin at halatang nag-aalala siya agad niya akong niyakap. Naramdaman ko naman na nabasa ang balikat ko at humihikbi siya.

"Sis ayus ka lang ba? Anong nangyari sayo? Pasensya na ngayon lang ako nakapunta, after ng class ko ay may shoot ako" sabi ni Kein at humiwalay sa yakap saken umiiyak siya

"Okay lang ako atsaka itong tiyan ko na lang ang masakit pero ayus na ako" sabi ko dahil na sikmuraan ako kanina ng mga hinayupak.

"Humanda sila saken bukas di ko sila nagantihan kanina" galit na sabi ni Kein hinawakan ko ang kamay niya "Wag na, Ayus lang ako, nasumbong naman na ata sila sa dean" sabi ko at binalingan si Finley tumango siya

"Sina Ash ang nag asikaso nun" sabi ni Finley na tinanguan lang ni Kein.

"Sure kang ayus ka lang?" sabi ni Kein na tinanguan ko "Sinabi mo ba kay Dad?" tanong ko dahil baka makarating sa kanya na nangyari sakin to, magagalit yun at baka sisihin niya si Mom sa nangyari sakin at ayokong mangyari yun.

Susundin ko ang payo ni Tita Evy mom ni Evance na mag forgive and forget ako dahil yun ang madaling solution para masagot lahat ng kasagutan ko at doon ako muling pipili kung kanino ako mag stay.

"No, I didn't tell this to Mama too, she will be worried about you, sinabi ko lang na nandito kanila Fin at nagka-ayaan na magstay muna" sabi ni Kein ngumiti ako ng bahagya dahil nakahinga ako ng maluwag

"Atsaka di kita pwede iuwi ngayon ng ganyan kalagayan mo" sabi ni Kein kaya nanlaki ang mata ko.

"Saan ako mag-stay?" tanong ko kung hindi sa bahay ni Mom saan? "Mag sleep-over tayo sa bahay nila Ash" sagot ni Finley kaya nanlaki ang mata ko, sleepover?! Kanila Ash?!

"I already ready your things Sis and also alam din yun ni Mama kaya hindi siya mag expect na uuwi tayo ngayong gabi" sabi ni Kein at talagang naka-plano na sila ah.

"So? How are you?" napatingin kami sa nagsalita at si Ash yun na kakapasok lang sa kwarto ni Finley "Ready na ba?" tanong ni Finley tumango naman si Ash

"Oo naka ready na din ang sasakyan sa labas sakto lang ang dating namin" sabi ni Ash at binalingan ako.

"Kaya mo na bang tumayo?" tanong niya kumilos naman ako at ininda ko ang sakit ng tiyan ko pero kaya naman. Tumayo ako at agad naman akong inalalayan ni Kein.

Chasing Someone Special (Dare Series One)Where stories live. Discover now