Chapter 14

181 6 2
                                    

"It's her."

When I arrived at school, I overheard some murmurs. As soon as I stepped out of my car in the parking area, I was met with odd glances from the students. Curiosity got the best of me, but I attempted to brush it off and go about my own business too. I pretended that everything was normal until someone made a mistake.

"Hindi siya 'yon. Wala naman siyang dede. Sa puwet, puwede na."

"Gago ka, importante pa ba 'yon? May litrato at video kaya."

Kasabay ng pagtigil ko sa paglalakad ay siya ring biglaang pagtahimik ng paligid. Tinapangan ko ang sarili ko na tingnan sila isa-isa. May ibang sinuklian din ako ng tingin na tila ba nandidiri o nagagalit sila pero mostly sa kanila ay umiwas at umalis na lang. So... they really are talking about me.

"Siya 'yon. Walang duda."

When I turned around, I spotted two guys conversing while looking on their phones. Lumapit ako pero agad nilang tinago ang phone nila sa mga bulsa nila. Ang isa ay ayaw akong tingnan samantalang ang isa naman ay naka-pokus sa akin ang tingin. Sinuri niya pa ako mula ulo hanggang paa. Kalaunan ay napangisi siya.

"Anong problema mo sa akin?" Tumaas ang kaliwang kilay ko.

Before responding, he cleared his throat. "Wala naman. May nalaman lang kami."

"Ano? Tell me."

Nagkatinginan ang dalawang lalaki, tila nangungusap.

"Ano na?"

"Sigurado ka?" He grinned again, which bothers me even more. "Sa isang kondisyon..." Namilog ang mga mata ko nang sinubukan niyang lumapit sa akin. Umatras naman ako.

"What do you think you're doing?"

"Pagbigyan mo rin kami."

Kinilabutan ako sa bulong niya. Pagkatapos ay tiningnan niya na naman ako mula ulo hanggang paa. Nagtagal lang ang tingin niya sa private parts ko. I was about to slap his ugly face when he gave me his phone. Kinuha ko naman agad iyon.

Kunot-noo kong pinanood ang video. Muntik na akong masuka kaya hindi ko man lang nakahalati ang video. Masyado iyong malaswa.

"Ano namang connect nito sa akin? Are you trying to insist that..."

Hindi ko pa nga natatapos ang sinasabi ko nang dugtungan agad iyon ng may-ari ng phone. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong naiirita sa kanya. Buti pa 'tong isa niyang kasama kanina pa tahimik simula nang harapin ko sila. Ano naman dapat niyang ikatapang dahil lang sa video na ito?

"Huwag mo na i-deny. Swipe right to view the photos as well."

I did what I was told, but I quickly regretted it.

"This is not me." Natawa ako. "You're being duped by my photoshopped face. Hindi ba kayo marunong tumingin kung edited o hindi?"

"Paano 'yong video?"

"What?" Binigay ko na sa kanya 'yong phone pero tinanggihan niya.

"Tingnan mo 'yong huling picture."

"Talagang naniniwala kayo? Gosh, sino ba nagkalat nito? He or she is making a big mistake in..." Natigilan agad ako nang makita ang huling picture. Biglang bumalik sa alaala ko ang gabing iyon.

"Pasensiya na, Miss!"

I looked at that person. Kumunot naman agad ang noo ko pero mas pinili kong hindi siya pansinin. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang pigilan niya ako.

"Uh, excuse me?"

I faced him with a faint smile on my lips. "Yes?" Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

The Hope Within Us (Memories Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon