Chapter 20

161 7 0
                                    

Peace. Who doesn't want peace in their life? I'm sure we all want it in every aspect of our lives. We don't want to think too much about complicated things because we are the only ones who always suffer, so we should avoid things that we know will cause pain sooner or later as much as possible. Pero anong magagawa natin kung ang gulo na mismo ang lumalapit sa atin, intentional man o hindi? That no matter how hard we try to avoid it, it clings to us even more.

Because it is what it is. We have no control over the tides of fate.

"Nilalandi mo ba si Inus?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Binitawan ko rin agad ang kamay ni Mab matapos ko siyang hilahin paalis sa crowded na sala at papunta sa likod-bahay.

Alam kong puwede pa itong palipasin pero hindi ko masikmura ang ginagawa nila sa harap ko mismo at ng ibang bisita na inimbitahan nila sa pag-welcome at congrats sa akin kasi nakauwi na ako at successful ang surgery. Ito pala ang pinagkaabalahan ni Mab kaya hindi siya nakapunta sa ospital kanina. I really appreciate it, even now that I'm in rage and jealousy. Pinaghirapan pa rin niya ito kahit papaano.

"Ano?" Mab's brows immediately creased. "Gaga, bakit naman ako makikipaglandian sa boyfriend ng best friend ko? Ayos ka lang ba, Lu?" Tumatawa-tawa pa siya habang hawak niya pa rin ang isang kopita na may lamang champagne.

"Bakit ganoon kayo?" I tried to hold back as much as possible. "Iba ang tinginan niyo. Parang nagkakailangan pero mukha namang komportable sa isa't isa. I... I know there's something in those stares because I also experienced it. Hindi niyo ako maloloko. I'm not that shallow."

"Puta?!" Mab exclaimed. "Nagpapatawa ka talaga. Bakit naman may ibang laman ang tinginan namin ni Inus? It's normal, Lu. Nag-o-overreact ka lang tapos hindi ka pa mababaw sa lagay na 'to?"

"No, Mab! Tell me the truth!" Nangilid ang mga luha ko. "Aksidente ko pang nakita ang convo ninyo sa phone ni Inus. Babae rin ako, Mab. Alam ko kung paano i-distinguish ang landi sa casual lang as friends."

"Talaga lang, ha?" Nilapitan niya ako't matapang niyang inubos ang laman ng kopita. "Bakit ako ang kinakausap mo kung sa phone naman pala ni Inus mo nakita?"

"My God, Mab. You're involved. Kung wala naman talaga ay mabilis mo lang itong itatanggi sa akin. Bakit parang defensive ka?"

"Hindi, Lu. Gumagawa ka ng dahilan para sa akin ipasa ang kasalanang hindi ko naman ginagawa. Kung nilalandi nga ako ni Inus, napansin mo naman siguro ang paraan ng pag-reply ko sa mga message niya. Alam mong hindi ako ganoon kabilis makuha, lalo na kapag hindi ko naman bet ang tao. Alam mong magkaiba ang gusto natin sa isang lalaki."

Hindi agad ako nakasagot. My body stiffened as I realized I shouldn't be doing this in the first place. Sensitive lang talaga ako pero kapag hinayaan ko lang din, paano ako? Ako rin lang naman ang mahihirapan. Hirap din akong pigilan lalo na kung ang dalawang taong involve ay mahalaga sa buhay ko.

"Please, Mab. Just... just tell me something. The truth... I need it."

"Tangina lang! Hindi naman kasi kailangang umabot sa ganito. Sasabihin ko naman pero mali ang approach mo, Lu." Mabilis niyang pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi niya. Iniwas niya rin ang mukha niya sa akin.

"I'm sorry, Mab." Medyo humupa ang nararamdaman ko. "Nadala lang talaga ako. Hindi ko agad natiis."

"Ganoon? Paano kayo tatagal niyan kung lahat ng galaw ni Inus ay binibigyan mo ng malisya? Ano, gusto mo lang siyang kulungin sa 'yo?" Hinarap niya ulit ako. "Sorry din, Lu, kasi tama nga yata si Inus."

I stared at her with a heavy heart.

"Ako ang nilandi, Lu. Siya ang lumapit sa akin, hindi ako. Pinagsabihan ko pa siya na kung determinado siyang mapasagot ka, magfo-focus lang siya sa 'yo. Hindi rin ako kumagat kasi kaibigan kita at ganoon lang din ang turing ko sa kanya. Walang malisya roon. Alam mo namang marami akong lalaking kaibigan. Kaibigan lang, Lu, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay jinojowa ang mga lalaki."

The Hope Within Us (Memories Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon