Ending

320 10 7
                                    

Godvynus Tansley

"Aren't they cute?" malambing na tanong ni Lu sa akin. Nakatingin siya sa kambal namin na nasa tabi niya. Halata rin sa mga mata niya ang sobrang galak. I didn't want this moment to go into waste so I took a picture of them before joining them, hugging Lu from behind.

We laughed when our babies cooed. Nagkasabay pa talaga sila. Ang sarap lang pakinggan. I used to think that being a father wasn't for me since it involves a great deal of responsibility and obligation, but I've recently discovered that it is. Nagsisimula palang pero alam kong magiging maganda kaming ehemplo ni Lu sa mga anak namin.

I was in pure bliss the moment our babies were born. Maluha-luha akong nagmamasid lang sa paligid habang hawak ang kanina pang nanginginig na kamay ni Lu. Subalit, gaya ko, alam kong bigla ring naibsan ang mga pangamba at pag-aalala niya nang makita niya ang anak namin. I can't express how relieved I am that they are all safe.

Masaya ang naging buhay namin. Halos hindi dumapo sa isipan ko na may mangyayaring masama o makakapagpalungkot sa amin. But after discovering that it was just all a dream that slowly fades into darkness, everything crumbled.

"Papa! Wake up! Wake up!"

I groaned, a small grin slowly forming on my lips. My little potato is once again acting as my alarm clock in the early morning. Ramdam kong nakapatong na naman siya sa likuran ko habang gumugulong-gulong at kinikiliti ako. I didn't even flinched. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon sa akin pero nang ang mukha ko naman ang pagkaabalahan niya ay saka na ako tuluyang nagising.

"Boo!" Yinapos ko agad siya at tinadtad ng halik. Her endearing giggles filled the room. "What's so great about mornings again, my cute potato? Hmm?"

"Work! You... work! First day!"

"Oh, shit!"

"Bad!" Tinakpan niya agad ang bibig ko gamit ang mga maliliit niyang kamay.

Napatawa ako't hinalikan ulit siya bago tuluyang bumangon.

"Thanks, baby! Love you! Where's Mama?"

"Kitchen!"

Nang makasuot na ako ng damit ay binuhat ko agad ang four-year-old kong anak. Violana gave her the name Mauve Tansley. Mauve is now my favorite color. Nobody has the power to change that. They're both the light in my life. Hindi niya pa masyadong nabubuo ang mga salita niya pero malawak na ang pagkakaintindi niya kapag kausap mo siya. I know she's a smart kid. Mana kaya sa akin.

"Good morning!" I greeted Violana in apron, preparing our breakfast. Kumuha muna ako ng isang toast bread habang karga pa rin si Mauve bago lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Ano palang sabi nina Mama?"

"Morning!" Parehas niyang pinisil ang ilong namin ni Mauve. "Papunta na sila. Sabi na kasing kumuha na lang tayo ng katulong sa pagbabantay kay Mauve. I can pay for it, Inus."

"Huwag na! Saka na kapag nakapag-ipon-ipon pa tayo. Hindi naman ganoon kakulit si Mauve para bantayan pa. Right, baby?" I showered her with kisses again.

"Kahit na. She's still a baby."

Sinundan namin siya ni Mauve. I put Mauve down to her chair and offered to help Violana. Ngayon din kasi ang first day ni Violana sa bago niyang trabaho. Walang magbabantay kay Mauve dito sa bahay kaya tinawagan na lang namin ang mga magulang ni Violana. Tutal ay medyo malapit lang din naman sila sa amin.

"Basta, ako nang bahala sa mga gastusin na kailangan ni Mauve. Mataas naman ang sweldo ng seaman captain."

"Palagi ka namang wala niyan. Hindi mo pa rin kami matututukan niyan."

The Hope Within Us (Memories Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon