Chapter 7

1.5K 47 14
                                    

“Ok class,keep all your notes on your bag and get a one sheet of paper.We're going to have a short quiz about our topic today.”  masiglang sabi ng dalaga este matandang binata na math teacher namin sa'ming lahat at kanya kanya kaming nagkuhanan ng gamit sa mga bag namin.Pagkapatong ko ng papel sa ibabaw ng desk ko ay bumulaga na sa harap ko ang pagmumukha ng apat na alien.Nakapalibot silang lahat sakin at pawang nakalabas ang mga gilagid sa pagkakangiti ng  malapad.Parang mga engkantong naging anghel.

    “Ano na namang kailangan nyo?” seryoso na may pagkamaangas na tanong ko.Buti nalang at nakatalikod ang teacher namin at abalang nagsusulat sa blackboard at kung hindi,pati ako mapapadamay na naman sa sermon.

“Pahingi kaming papel.”si Redkert ang sumagot.

”George ako din.” -Adrian

 Nagsilapitan lalo sila sa akin na para bang nasa palengke at nakipagsiksikan sa bilihan ng karne.

 “Ako muna,ako unang lumapit eh.” -Jepoy

“Ay dyan naman ako hindi  papayag.Ako ang naunang lumapit,baka gusto mong maging kulay papel yang mukha mo.” siyang hamon ni Nomer.

   

  “Kaya  mo na sa sarili mo?Ha?” matapang naman  na sabi ni Jepoy.

  “Suntukan na yan oh.”-Redkert       

“Kantahin na Bayang magiliw,and lets get ready to rumble!”-Adrian

“Tanga!Anong Bayang Magiliw?Daig ka pa ng kinder,bakit ang bobo mo?”-Nomer. 

“Gago  ‘to ah?Sinong bobo?”-Adrian.

Tengene!Dito pa yata magbubugbugan.

”Patayan na kayo,eto ballpen.” walang emosyong boluntaryo ko.

”Tapos ilibing natin sa likod bahay namin George para mura. Hahaha.” -Redkert.

”Gago ‘to ah,palagay mo sa akin aso?"-Nomer.

”Hindi ah.Kabayo,oo.” -Redkert.

Bago pa magsuntukan ang mga 'to sa harap ko ay pumilas na ako ng apat na papel sa pad at iniabot yon sa kanila.”

"Utang na loob,magsilayasan na kayo bago ko pa makalimutan ang pinagaralan ngayong araw sa values." pagbabanta ko at mabilis na kinuha na nila yong apat.

”Salamat George ha.Ikaw talaga  ang knight in shining armor ko.”nagniningning ang mata ni Redkert.

When Lesbian Meets the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon