Chapter 3

2.7K 56 4
                                    

"Araaaaay! Hoy mestisong shokoy! 'San mo ko dadalhin? Arraaaay! Hoy!"

 Hindi ko alam kung saan niya 'ko dadalhin, hawak-hawak niya pa rin ng mahigpit ang braso ko at kinakaladkad ako na parang aso. Hindi siya tumitigil, parang wala siyang naririnig gayung kanina pa ko sigaw ng sigaw. Nakarating kami sa tagong lugar kung saan walang mga estudyante. Paigsa niya kong itinulak sa pader.

"Masakit 'yun ha!"

   sigaw ko sa mukha niya, napa-urong siya sa lakas ng sigaw ko. Nakagat niya ang labi niya dala siguro ng matinding pagka-irita. Gitil na gitil na dinuro niya ko. Puno ng pagbabanta ang mga mata niya.

"Hoy tibo, ikaw, kapag hindi ka pa talaga tumigil papatulan na kita!'

"O edi patulan mo! Sa tingin mo natatakot ako sayo?"

"Aba't!"

"Oh ano?"

   Taas noo na nilapitan ko siya, puno ng panghahamon.

"Hindi mo pa 'ko kilala tibo."

"Hindi nga, sino ka ba?"

 Magsasalita pa sana siya ang kaso biglang napatigil sa pagbuka ang bibig niya na parang may hindi siya pwedeng sabihin sakin. Nahilot niya ang noo niya at sandaling napapikit.

"Oh ano? Wala kang maipagyabang noh? Ano bang tingin mo sa sarili mo? Artista? Ah oo, artista ka nga, nakikilala kita, ikaw 'yung nawawalang kapatid ni chitae? Diba? Whahahahahaha!"

 Napatigil ako sa pagtawa nang bigla niya kong isandal sa pader hawak-hawak ang magkabilang balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat.

 "H-hoy!"

     kinakabahang sigaw ko.

 "Hoy tibo, ikaw, kapag hindi ka pa tumahimik.....talagang... talagang papatulan na kita."

    pagbabanta niya sa mahinahon at mapang-akit na tono. 'Yung tono niya dun sa 'papatulan na kita' na phrase parang may iba siyang ibig sabihin. Tumaas lahat ng balahibo ko nang titigan niya ang mga labi ko.

  "Virgin pa ba 'yang labi mo? Titikman ko sana."

  naka-grin niyang sabi.

  "A-ano? Ahhhhhhhhhhhhh! Subukan mo! Makakapatay ako ng shokoy ngayong araw!"

When Lesbian Meets the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon