Chapter 9

552 12 15
                                    

"George, tingnan mo si Lark, nakaupo lang habang nakaheadset sa bench. Kapag nakita siya ni Ma'am Silva na walang ginagawa ikaw ang mapapagalitan."

"George si Lark ayaw umalis sa garden bench, kailangan naming maglinis don eh."

"George inaapakan ni Lark 'yong mga maliliit na halaman dito sa garden baka mapagalitan tayo ni Ma'am Silva kapag nakita 'yon."

Kahit naiinis na ko sa maya't-mayang sumbong sakin ng mga ka-grupo ko tungkol sa ginagawa ng shokoy na 'yon ay pinipilit ko na lang na pakalmahin ang sarili ko para 'wag makagawa ng bagay na pagsisihan ko at isa pa, ayoko nang magkaron na kahit na ano pang koneksyon sa saksakan ng katamaran at kahambugan na lalaking 'yon. Lalo na at nasa loob ako ng school, tama na 'yong ilang records na nagawa ko sa guidance dahil sa pakikipag-away ko noon. Ayoko nang dagdagan.

"Hayaan niyo na 'yang shokoy na 'yan. Kahit mangain 'yan ng damo dyan 'wag niyong pakikialaman."
  kunwa'y mahinahon na sagot ko lagi sa kanila na kanila namang ikinadismaya sa pag-aakalang papatulan ko na naman ang shokoy.

Nagpatuloy kaming lahat sa ginagawa ng hindi pinapansin si Lark. Hindi naman siya kawalan sa grupo. Kaya naming linisin ang garden ng wala ang tulong niya.

Ngunit sa gitna ng pagsasawalang-bahala namin sa kanya ay bigla na lamang nagkaron maya-maya ng komosyon.

"Bulag ka ba o tanga ka talaga? Bakit hindi ka nag-iingat ha! Gusto mo bang masaktan!"
  narinig kong pagalit na sigaw ni Lark sa malapit. Paglingon ko ay nakita ko na hawak niya ang kwelyo ng uniform ng isang ka-grupo naming babae na halos mapaangat na ang katawan dahil sa taas ng pagkakahila ni Lark sa damit niya. Halos paiyak na ang babae sa sobrang takot sa galit na galit na si Lark.
Maraming umaawat sa kanila ngunit itunutulak lamang ni Lark ang mga lumalapit sa kanila. Biglang tumiklop ang kamao ko sa galit. Binitawan ko ang gamit kong walis ting-ting at pandakot at mabilis na lumapit sa komosyong nagaganap.

"Anong kaguluhang nangyayari dito?"
   sigaw ko na siya namang umagaw ng atensyon ng lahat. Mula sa pag-aalala ay nag-iba ang reaksyon ng mga kagrupo ko na para bang nakita nila ang hinhintay nilang superhero.

"George, napalakas ang pagwawalis ni Joy, natamaan yata si Lark ng mga lupa sa mukha pero hindi naman niya sinasadya."
  sagot ng isa kong kasama na siguro'y kaibigang matalik ng babae.

"Tinatanggal kasi ni Joy iyong nakaipit na plastic sa lupa gamit ang walis niya pero nong natanggal niya lumipad ang mga winawalis niya sa mukha ni Lark. Pero paulit-ulit naman na siyang humingi ng tawad eh."
patong pa ng isa.

"L-Lark. P-Pasensya na hindi ko naman talaga sinasadya. Hindi ko alam. Patawarin mo na ko. Hindi ko sinasadya. Ipagagamot ko na lang kung nasugatan ka, a-ako na lang ang magpapagamot 'wag mo lang akong sasaktan."
takot na takot na pakiusap ni Joy. Nakita kong lalong sumingkit ang mata ni Lark na para bang masyadong naagrabyado.

"Ikaw ang magpapagamot? Baka kulang pang kabayaran buhay mo sa ginawa mong pananakit sa mukha ko. Paano kung tumama sa mata ko ang mga batong winawalis mo? Paano kung mabulag ako. Maibabalik mo ba paningin ko? Ha! "
mariin na sabi ni Lark saka mas hinigpitan pa ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni Joy dahilan para mas lalong mapaangat sa lupa ang katawan ng huli. Inihit na ito ng ubo dala marahil sa pagkakaipit ng lalamunan nito at hindi na makahinga. Doon na ako nangialam. Mabilis na kinalimutan ko ang mga sinabi ko sa sarili ko kanina na hindi na ko mangingialam sa buhay ng lalaki na 'to. Mukhang gusto na naman nitong makatikim ng sakit ng katawan. Lumapit ako sa kanya.

"Humingi na ng pasensya 'yong babae. Ano pa bang gusto mo?"
basag ko sa komosyon. Napatingin ang lahat sakin kabilang na si Lark. Matagal na nagkatinginan kaming dalawa na kapwa mga tigreng naghihitay na magsunggaban.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Lesbian Meets the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon