Chapter 8

1.7K 55 41
                                    

 "Tingnan niyo si George. Tulala." -Jepoy

 "Kanina pa 'yan ganyan, parang na-nuno sa punso." -Nomer

"Dalhin na kaya natin sa albularyo? Malala na eh." -Redkert

"Wag kayong magpanic, iniisip niya lang ako." -Adrian

 Kahit kanina pa ako kating-kati na pag-untugin ang apat na alien na 'yon dahil sa mga kadaldalan at mga pinagsasabi nila sakin ay hindi ko naman magawang kumilos. Pinipigilan ako ng isip ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala dito ang sinabi sakin ni Lark n’ong isang linggo.Ilang gabi rin ako hindi masyadong nakatulog dahil nag-eecho ang boses niya sa tenga ko.

        'Be part of Black Spade, and be my Lady Master'

  Napapikit ako ng mariin at madiin na nagkiskisan ang mga ngipin ko sa inis nang maalala ko na naman 'yon. Seryoso kaya siya o baka naman pinagti-tripan niya lang ako? Pero parang hindi naman eh.

 Bakit ba ang lakas ng tama sa'kin ng sinabi niyang 'yon?

Dahil ba sa mataas na posisyon na inaalok niya na siyang matagal ko nang gustong marating para matupad ang matagal ko nang mangyari? o dahil sa gusto niya akong maging miyembro ng kanyang gang at maging sunud-sunuran sa gusto niya? At kinaiinisan ko 'yun!

 Malakas na napukpok ko ang ibabaw ng lamesa ng paboritong tambayan namin, halos mapatalon ang apat sa gulat.

 Aaah! Ayokong maging sunud-sunuran sa hambog na 'yun!

Pumainlanlang sa paligid ang tunog ng bell, ibig sabihin ay kailangan na naming pumila lahat sa covered court sa gym para sa morning flag ceremony.

Umalis sina Redkert at Adrian sa pila dahil sila ang naatasang magtaas ng watawat bilang parte ng Boys Scout. Actually, kasali silang apat, siyempre ano pa bang silbi ng kayabangan at tapang-tapangan nila kung hindi sila sasali roon. At syempre, kasali naman ako sa Girl Scout since grade four, means certifed na ako.

Fifteen minutes ang itinagal ng flag ceremony at pagkatapos no'n ay nagsipasukan na sa kani-kanilang classroom ang lahat ng estudyante para sa first period subject sa umaga.

"Nandyan ba si Ma'am Silva?" narinig kong tanong ni Jepoy sa likod.

"Oo nandyan, nakita ko kanina sa flag ceremony." sagot ni Nomer

"Asa naman kayong umabsent 'yun, alam niyo namang mahal na mahal tayo ng matanda." ani Adrian.

"Martir eh." sagot naman ni Redkert at maingay na naghagikhikan sila.

 Napailing na lamang ako habang inilalabas sa bag ko ang El Fili ko na libro at notebook sa Filipino. Lumabas sandali ang apat, siguro ay magsi-Cr.

Habang naghihitay sa pagdating ng una naming guro ay naisipan kong lumingon sa kabilang row, hinahanap siya at sila ngunit katulad ng inaasahan ko ay wala naman ang mga bagong 'yon. Grabe. Mga kabago-bago laging absent.

When Lesbian Meets the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon