Chapter 5

2.1K 54 9
                                    

“Sino ka?”

     seryosong tanong sakin ng kaharap ko.

“Sino ka rin?”

   Kumunot ang noo niya sa galit.

Wrong choice of words!

      Nakita kong tumango siya sa dalawa niya pang kasama para sumenyas at sa isang iglap lang ay nakita kong pumalibot ang mga ito sakin. Nagsimula na akong mag-panic nang hawakan nila ang braso ko, maya-maya pa'y nakita ko na lang ang sarili ko na buhat-buhat nila na para bang naghahati sa pagbuhat  ng barbel.

 

“Hooooooy! Sandali!  Ibababa niyo ko! Hoy! Ano ba! Hoy!”

      sigaw ko habang paulit-ulit na ini-sway ang mga paa kong nakalutang sa sahig para pumiglas. Kasalukuyan nila akong kinakaladkad habang sinusundan nila ‘yung lalaking nakabunggo ko kanina, pumasok kami sa loob ng building. Eto na! Nalintikan na!

 

   “Manahimik ka!”

     suway ni kuyang maputi pero may bigote.Siguro apat o limang taon ang pagitan naming dalawa.

 

  “Aaaaaaah! Bitiwan niyo nga ‘ko sabi eh! Aaaaaaaah!”

   “Takte! Kapag hindi ako nakapagpigil masasaktan ka!”

  

   “Ikaw kaya kaladkarin ko? Hindi ka sisigaw?”

    “Aba’t nasagot ka pa ha!”

 

    “Oh anong gagawin mo? Susuntukin mo ‘ko? Oh sige suntukan na lang!”

        kunwaring paghahamon ko.

     Nakita ko kung pano madiin nitong itinikom ang labi niya, indikasyon na nagtitimpi na lang ‘to. Low temper! Buti pa ‘tong isang nagbubuhat sakin ang tahimik.

    “Wag mo kong punuuin!”

    “Pwes ako punung-puno na!”

    “Tumahimik ka na!”

    “Aaaaaaaaaah! Ibaba niyo ‘ko! Aaaaaaaaaah!”

   “Isa pa papatulan na kita!”

     Mas lalo kong nilakasan ang pagsigaw ko.

   “Aaaaaaaaaaah! Waaaaaaaa-------“

   “What’s that f*cking irritating noise!”

    Napahinto ako sa pagsigaw ng marinig ko ang mas malakas na sigaw na iyon ng lalaki. Noon ko lamang napagtanto ang paglapit samin ng grupo ng mga kalalakihan. May mga nakakunot ang noo na para bang nagtataka kung bakit at ano ang ginagawa ng isang babae sa ganitong kaliblib na lugar, merong walang pakialam habang ang iba naman ay malayo pa ay tanaw ko na ang sama ng tingin sakin, inaalerto ang sarili na baka padala ako ng kalaban para mag-i-spy sa kanila.

Juice ko, ‘wag na lang ‘yung panghuli, baka mawala ako sa mundo ng ‘di oras.

  “Pinuno.”

     sabay-sabay na nagyukuan ang tatlong kasama ko sa lalaking nasa unahan ng grupo ng mga palapit na kalalakihan.

 

“Sino ba ‘yang dala-dala niyo at kung makasigaw daig pa si tarzan na taga-bundok, ang sakit sa te-----“

   Natigilan siya.

When Lesbian Meets the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon