Chapter 6

2.3K 40 9
                                    

Takbuhan here, takbuhan there, takbuhan everywhere. Wala akong ideya kung gaano na ako katagal tumatakbo para lang makatakas sa mga ungas na ‘yon, ang tanging alam ko lang ngayon ay hinihingal na ako at konti na lang ay hihinto na ako para makahinga naman ng ayos. Pero hindi pwede eh, sa oras na huminto ako maabutan nila ako, kapag naabutan nila ako ibabalik nila ako kay mestisong shokoy at kapag binalik nila ako d’on kakainin ako ng mga lamang-dagat na katulad niya, hallelujah! Ito na yata ang katapusan ko. Takte naman oh! Daig ko pa nakikipagkarerahan sa mga kabayo dito eh, ah hindi temple run pala ito at hinahabol ako ng mga unggoy. Sana magkaroon man ako ng power ups, kahit ‘yong one thousand meter boost lang!

“Bilisan niyo baka makatakas! Kailangan nating mahuli ‘yon, kung hindi patay tayo kay pinuno!”
    narinig kong utos ni Reij, iyong mestisong bigotilyo na naglilihi yata sakin.

  Naku eto na. Hindi pa ba sila napapagagod? Pwes ako pagod na pagod na. Mauubusan na ako ng budget sa pagtakbo.

  Ang layo na ng nararating ko hanggang sa nakita ko ang mga lumang mga gusali sa ‘di kalayuan, parang ghost town iyon dahil wala man lang katao-tao at sobrang dilim pa.Nakita ko na maraming mga eskinita doon na pwedeng pagtaguan kaya naman hindi na ako nagsayang ng panahon at tumakbo na ako paroon.


“Ayun! Sundan niyo papunta ‘don sa mga abandonadong building!”

“Oo!”

“Sige, maghiwa-hiwalay tayo!”


   Ayan! Nag-teamwork na sila. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo, sa sobrang bilis ay pakiramdam ko’y malalaglag na ang puso at baga ko dahil sa pagkahingal.Nagpaliko-liko ako sa mga eskinita para iligaw sila.

“Huli ka!”
  

  Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang biglang lumitaw sa dadaanan ko ang isa sa mga kasamahan ng tauhan ni Lark. Nakabuka ang mga bisig niya para harangan ang dadaanan ko. Ngingiti-ngiti pa ito na parang cannibal na nakakita ng tao, kulang na lang ay magtatalon at magsayaw ito bilang pagdiriwang sa nahuli. Napaatras ako. Pinag-iisipan ko pa kung tatakbo ako pabalik, pero kapag naman bumalik ako ay baka makasalubong ko ang iba pa niyang kasama kaya naman no choice na ako at kailangan ko na siyang harapin. Good thing mag-isa lang siya at kayang-kaya ko na ‘to.

“Mabilis kang babae ka ha, medyo nahirapan kami pero worth it naman dahil mabibitbit kita pabalik kay pinuno. May toys na naman kami.”
    anito at tumawa ng malakas. Tinitigan ko ang mukha niya. May side na gwapo at may side na mukhang barumbado, pero mas pansinin ang huli. Sobrang angas kasi ng mukha niya

“Alam mo, kung ako sa’yo? Magmamacho dancer na lang ako sa bar, atleast d’on kikita pa ako ng malaki kaysa maging sunud-sunuran sa pinuno niyong mukhang ninuno ng mga shokoy.”
   
    Nagbigay muna ako ng konting payo at panlalait na rin bago ako sumugod para patamaan ang mukha niya pero magaling siya at nailagan niya ‘yon, nang makalampas ako sa kanya ay hinawakan niya bigla ang isa kong braso, pipilipitin niya siguro pero dahil maagap ako kaya mabilis akong umikot at sinipa ang sikmura niya. Katulad kanina ay hindi ko iyon napagtagumpayan dahil tinampal niya ang binti ko bago pa man iyon makalapat sa sikmura niya. Humakbang ito palayo para bumwelo. Mali ang impression ko sa kanila kanina na mahihina ang mga tauhan ni Lark, dahil ang totoo ay may binatbat naman pala sila, kahit papano. Isang mala-demonyong ngiti ang sumilay sa mga labi niya.


“Aba’t tingnan mo nga naman at nakahanap ako ng katapat.Mabilis ka pala ha.”
      anito at tumango-tango.Ginantihan ko rin ang pagngiti niya sakin, itinaas ko ang sulok ng labi ko.

“At madulas ka naman. Siguro mahilig kang kumain ng okra at saluyot noh? Pero mukhang nakalimutan mo yatang kumain ngayong araw brad.”
    sagot ko at muling sinugod ang lalaki, alam kong iilag siya ng mga oras na ‘yon kaya naman ng mapapunta siya sa likuran ko para umilag ay itinaas ko ng bahagya ang isa kong paa. Pumalakpak ang tenga ko nang maramdaman ko ang pagdanggil ng hita niya roon. Mabilis akong lumingon at sumalubong sakin ang nagpapanic niyang mukha dahil nawala ang balanse niya, panay ang pagkampay niya ng kamay na para bang malapit na itong malaglag sa malalim na dagat at takot na takot. Ginamit ko naman ang pagkakataon na iyon para doon na siya suntukin. Nasandalan niya pa ang mga basurahan bago siya tuluyang bumagsak siya sa sahig kasama ang mga basurang natapon. Pinagpagan ko ang mga kamay ko sa harap niya habang pinapanood siyang namimilipit sa sakit ng beywang at likod.

When Lesbian Meets the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon