Chapter 2

3.7K 131 23
                                    

George's POV

Alas-dose na ng hatinggabi ngunit nananatili pa ring bukas ang mga mata ko, hindi kasi ako makatulog eh. Inilagay ko ang isa kong braso sa noo ko habang ang isa naman ay nasa likod ng aking ulo para magsilbing unan. Nakatitig lang ako sa kisame.

Naalala ko kasi 'yung lalaking nakaaway ko kanina sa grocery store. Grabe, ang yabang ng shokoy na 'yun, 'di mawala sa isip ko ang kahambugan niya. Akala mo kung sinong kagwapuhan! Napa-pout ako. But infairness gwapo naman talaga siya, gusto ko 'yung pagkasingkit ng mata niya tapos 'yung ilong niya na matangos at 'yung---- Sh*t!

Inis na napabangon ako sa kama ng mapagtanto ko lahat ng iniisip ko.

Oo! Siguro nga gwapo siya! Ah, hindi. Gwapo talaga siya pero napaka-hangin niya! Napaka-sama ng ugali! Hindi marunong gumalang sa babae! Bastos! Walang modo! Humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot.

Hindi pa ko tapos sayo, humanda ka saking mestisong singkit na shokoy ka kapag nagkita ulit tayo.

   

Maaga akong nagising kinabukasan para pumasok, hindi dahil sa takot akong ma-late kundi dahil ayaw ko ng pasakitin na naman ang ulo ni Ms.Silva.

Kasalukuyan akong nagsusulat at kinokopya ang sinusulat ng sekretarya namin sa blackboard. May meeting kasi lahat ng faculty teacher sa Principal's Office kaya pinagsulat na lang kami para may magawa. Pag-uusapan siguro nila 'yung nalalapit na Intramurals ngayong buwan. At syempre, dahil walang nagbabantay kaya nag-iingay na naman ang buong klase, at nangunguna na nga 'don ang mga hambog kong tropa.

"Hey sexytary,bagalan mo naman 'yung pagsusulat, walanjo parang hinahabol ka ng manananggal sa sobrang biliseh! Hindi ko pa natatapos isulat yung nasa kabila, binura mo na. Ok. You're fired! Hahahaha."

parang boss na utos ni Redkert.

'Yung style niya, nakaupo sa upuan tapos nakataas yung isang paa niya habang nakasandal ang isa niyang braso sa katabi niyang upuan at abala naman ang isa niyang daliri sa pagkalikot sa kanyang ilong. Yuck! Ugali neto oh! Lakas maka-utos pero hindi naman nagsusulat.

   

"Ok class! Our lesson for today is all about Dota! Sinong favorite dota heroes niyo?" umaastang teacher na tanong ni Nomer habang nakade-kwatro siyang nakaupo sa ibabaw ng teacher's table. 'Yung mga baliw ko namang mga kaklase nagsisi-sagutan, 'yung iba puro nakasimangot na, pano kasi nakaharang si Nomer sa blackboard.

Nagpalinga-linga ako sa paligid na para bang may hinahanap. Ah! Ayun!

Nakita ko si Jepoy sa pinakadulo. Nakikipag-kwentuhan sa mga babae, nagpapalid-hangin na naman siguro. Tsk. Teka? May kulang pa eh. Tumingin ako sa pwesto ni Redkert. Ayun! Nakita ko si Adrian sa tabi niya, himbing na himbing sa pagkakatulog with matching hilik effect pa.Juice ko 'di na nahiya.

Minsan napapa-isip na lang ako sa sarili ko kung bakit sa dinami-dami ng pwede kong maging kaibigan, bakit eto pang mga itlog na 'to.

When Lesbian Meets the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon