THREE

2.5K 106 29
                                    



Alam mo iyong nakausap mo si Sandro ng malapitan pero nakalimutan mong magselfie kasama siya. Inis na binato ko ang phone ko sa aking higaan. Walang silbi.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Spencer sa tabi ko habang nagtitipa ng banquet event order sa computer. May booking kami na dalawa ngayong linggo. Intimate debut yung isang event tapos magaganap sa isang resort. Nakalimutan ko na basta ang sabi Santorini of the North daw iyon. Iyong isa naman ay sa isang araw. Dedication ng anak nila at intimate din lang. Small events lang kami ngayon dahil dadalawa lang kami at iilan lang ang kasama namin. On call lamang kasi iyong iba.

"Nakalimutan kong makipag-picture kay Sandro." Nakasimangot ko na wika. Tumawa si Spencer. Na-kwento ko kasi sa kanya ang moment ko kasama si Sandro sa cafe. Nauna akong umalis sa kanya dahil nahihiya talaga ako at hindi kami close. Ihahatid pa daw ako pero umayaw ako. Sa kanto lang naman iyong building namin at saka hindi naman siya obligadong ihatid ako. Jowa? Nakakahiya.

"Makikita mo ulit siya. Maliit lang ang Ilocos." Sagot naman niya.

"Taga Norte siya. Nasa Sur tayo."

"Sus. Nakita mo nga siya dito eh halos isang oras ang biyahe galing sa kanila."

Tinignan ko siya. "Palagi mo ba siyang nakikita?" Tanong ko.

Tumango siya habang nakatingin sa computer. "Normal lang naman siya na tao dito eh. Siguro kung labas ng Ilocos dadagsain dahil sa influence ng social media."

"Sabagay." Mahinang bulong ko.

"Alam mo minsan nakakahiya iyong mga may fan sa kanya. May nakita ako na may tumatawag pa daw sa Instagram account niya eh," Pinaikot ni Spencer mata niya. "Yes mabait siya pero huwag naman nilang lubusin. May iba pa na nag-i-i-stalk sa IG ng mga kakilala niya porke naka like siya sa photo nila. Hindi pa nakuntento nag-comment kahit hindi naman relate sa photo Grabe." Umiling-iling si Spencer.

Napalunok ako. Guilty ako slight. Nagpost kasi siya sa IG story dati tapos nagreply ako ng, 'Aylabyu' Malaking kahihiyan.

"Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ko na lang kay sa kanya.

"Milktea sana."

Tumango ako at nag-bra. Naka matching pajama ako na kulay mustard yellow. Iyong shirt at shorts na pajama na tig 80 sa shoppee. Sa susunod red ang bibilhin ko. Char. Nagliptint ako saka lumabas hawak iyong phone at wallet ko.

Malapit lang iyong Craft 360 Cafe sa amin kaya doon ako dumeretso.

SANDRO

I don't know why I ended up in this cafe again. It was almost three in the afternoon. Vinny and I were driving around the city. He just came back from Singapore at dito niya naisipan na pumunta. He's weird too. We have other places where we can end up to but we ended up in the Sur.

"Do you want to visit her?" I asked him as we entered the cafe.

Vinny looked at me, his brows furrowed. "Sino?"

I rolled my eyes. "Gusto mo banggitin ko talaga ang pangalan niya?" I dared.

"Whatever Sands. I just missed Vigan that's all." He retorted.

"In denial ng dekada." I mumbled beside him.

"I am not!" He exclaimed.

I zipped my mouth and raised my hands in defeat. Vinny ordered tea and cheesecake for the both of us.

"Kuya pambayad." He even had the gal to say.

"You have money."

"Ikaw ang nakakatanda." He argued.

Daylight (A SANDRO MARCOS FANFICTION)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora