Chapter 3

112 11 0
                                    

Hindi naging maganda ang araw ko ngayon dahil nagalit ako kay Jaycee. paano naman kasi di siya nagpaalam na di siya uuwi sa bahay ,naghintay ako ng matagal tapos ala una na siya nagtext na di siya makakauwi dahil nag aya yung kaibigan niya na doon na siya matulog.

"Kumain ka na diyan."walang emosyon na sabi ko habang sinasandukan ko siya ng kanin.

Nararamdaman ko sa gilid ko na nakatingin siya sa akin ng seryoso. Ano? hindi ba siya magsosorry sa akin dahil late siya nagreply sa akin ng maaga?

"Ate ,"tawag niya sa akin pero di ko siya pinansin ,"Galit ka pa rin ba sa akin?"

Saglit akong natigilan nung bigla siyang nagsalita. Kaya bumaling ako sa kanya at tinititigan ko lang siya di maipinta yung mukha niya dahil sa nakikita ko sa kanya ay malungkot siya.

Di kasi siya sanay kapag nag aaway kami ,minsan nga siya pa ngang una nagsosorry kahit kasalanan ko.

"Sorry na ate."Jaycee said.

Di ako kumibo.

Tumayo siya at niyakap niya ako ng patalikod kaya natigil ako sa ginagawa ko ,"Sorry na ate. I promised hindi ko na uulitin."

Huminga ako ng malalim bago ako humarap sa kanya ,"Gusto mo bang lagi ako mag alala sayo?"

Ayoko sa lahat yung nag aalala ako sa kapatid ko ,paano na lang kung may mangyaring masama sa kanya? kapatid niya ako pero di ko siya mababantayan.

"Hindi naman sa ganun ate ,"He pursed his lips ,"Nakalimutan ko lang magtext sayo na di ako matutulog dito."

Kaninang alas sais lang siya umuwi saktong kagigising ko lang at nagluluto na rin ako nun ng agahan.

I touched his cheeks ,"Wag mo ng kakalimutan magtext sa akin huh! Nag aalala ako sayo."

Ngumiti siya ng mariin sa akin ,"Ibig bang sabihin yan bati na tayo ate?"

Di ko naman matitiis kapatid ko. mahal na mahal ko si Jaycee.

"Matitiis ba kita?"I asked then he smiled.

"Wala nang bawian yan ate ,bati na tayo."He smiled widely.

Pagkatapos nun ay bumalik na siya sa kinauupuan niya saka kaming kumain na ng agahan.

Maagang umalis si Jaycee dahil alas nuwebe ngayon yung klase niya ,Minsan kasi pa iba iba yung schedule ng klase niya. Minsan nga ,gabi na siya umuuwi galing school.

Samantalang ako ay papunta na sa trabaho ko ,dahil 30 minutes bago ako nakakarating doon. di naman masama yun dahil sakto naman ako nakakadating doon.

"Eto manong ,ang bayad ko."binilang ko pa yung baryang hawak ko saka ibinigay ko sa kanya.

Pagkatapos ko magbayad ay nagdirecho na ako pumunta sa locker room dahil nakita ko banda doon si Maam Freya na may kinakausap doon ,hula ko parang asawa pa nga niya dahil ang lawak ng ngitian nila eh.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay lumabas na rin kaagad ako at nginitian ko si Karyle since lagi ko siyang kasama dito.

"Parang ang ganda ng mood ah!"biglang sabi ni Karyle sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi naman."nginitian ko na lang siya.

Nagkabati lang kami ni Jaycee kaya medyo maganda ang mood ko. Ayoko sa lahat yung nag aaway kami kumbaga ,walang pansinan? di ako sanay sa ganun. Kaya hangga't maaari ay gusto ko ay magkabati kami kaagad.

Lumipas ang ilang oras ay ganun pa rin sa ngayon ay medyo kokonti pa lang ang mga bumibili ,pero sigurado naman ako na maya maya din ay magkakaroon din ng mga tao dito.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now