Chapter 32

60 2 0
                                    

"Kuya, hindi natin kasama si Papa sa bago nating titirhan?"

Napatingin ako sa kapatid kong si Mavi nang magtanong siya. Umiling ako sa kaniya na siyang ikinakunot ng noo niya.

"Bakit hindi, kuya?" Tanong niya ulit.

Napangiti ako dahil sa kulit niya. Itinigil ko ang pagtitiklop ng damit namin at hinarap siya. "Kapag laki mo atsaka mo lang maiintindihan," sabi ko at ginulo ang buhok niya.

Si Mavi ay mag-g-grade 3 palang sa pasukan. Apat na taon ang tanda ko sa kaniya. Kahit na makulit ay marunong siyang makaintindi. Kapag sinabi mong hindi pwede ay alam niyang hindi talaga pwede.

"Anak, marami ka pang titiklupin?" Napatingin ako sa pumasok sa kwarto ko at nang makita na si Mama iyon ay umiling ako.

"Konti nalang po, ma." Sagot ko.

Hindi ko alam ang buong pangyayari pero naghiwalay ang mga magulang namin. Pilit ko silang iniintindi dahil alam ko na may malalim na dahilan iyon. Kilala ko ang mga magulang ko, tahimik lang ako pero alam ko kung may mali ba o wala kapag nasa paligid ko sila.

Nitong mga nakaraang linggo ay hindi sila madalas na nag-uusap. Nag-uusap lang sila kapag nasa paligid kami ni Mavi pero iba ang napapansin ko. Hindi sila tulad ng dati na kapag tumingin sa isa't-isa ay alam mo na hindi sila napipilitan lang na mag-usap.

"Dito po tayo titira, mama?" Tanong ni Mavi at tiningnan ang bagong bahay na titirhan namin.

Nakita ko ang pagtango ni Mama at nagpaumunang pumasok sa loob. Sumunod kami ni Mavi sa kaniya habang dala-dala ko ang iba naming gamit. Tinignan namin ang kabuuan ng bahay at nagsimula na ring mag-ayos ng mga gamit namin. Tinulungan ko si Mama na ayusin ang mga gamit buong araw para hindi siya masyadong mahirapan.

"Ma, sa kwarto ko nalang patulugin si Mavi," sabi ko kay Mama noong patulog na kami.

Umiling siya at itinuro iyong pinto sa tapat ng kwarto niya. "'Yon ang kwarto niya, Maverick. Titignan-tignan ko na lang siya." Sabi niya kaya tumango ako at nagpaalam na matutulog na.

Kinabukasan ay umalis si Mama para i-enroll kami sa bagong school na papasukan namin. Nang makaalis siya ay nagyaya ang kapatid ko na maglakad sa labas ng bahay namin. Dahil sa sobrang kakulitan niya ay wala akong magawa kung hindi ang pumayag.

Sobrang tahimik lang sa pinagdadaanan namin. Magaganda din ang bahay na nakikita namin. Ilang minuto ng paglalakad namin ay may nakita kaming park. Malaki iyon at may kakaunti rin mga bata na naglalaro.

"Kuya, punta tayo sa playground," yaya ni Mavi at agad akong hinila papunta sa playground na itinuturo niya na nakapwesto lang din doon sa park.

"Masubsob ka," saway ko sa kapatid ko dahil patuloy niyang hinihila ang kamay ko.

Pumunta si Mavi sa isang duyan kaya tinulungan ko siyang makaupo roon. I saw a girl on the other side of the swing and I think we're just on the same age. She was with a guy who looks years older than me.

"Kuya, tignan mo 'yung bata. Ang cute," rinig kong bulong no'ng babae sa lalaki na sa tingin ko ay kuya niya dahil sa tawag nito.

"Buti pa 'yung bata, cute. Tapos ikaw hindi," pang-aasar ng lalaki at tumawa pa.

Napatingin sa akin 'yong babae at ngumiti. Napakurap ako at tinignan lang siya, hindi alam kung anong gagawin.

"Kapatid mo?" The girl cutely asked.

Natulala ako at hindi alam kung anong sasabihin. Nang maproseso ko kung ano ang itinanong niya ay napatango ako nang paulit-ulit.

"Hoy, Charlotte! Mahiya ka nga, hindi mo naman kilala e!" Saway sa kaniya nu'ng lalaking kasama niya.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Where stories live. Discover now