Chapter 36

58 3 0
                                    

"Isara mo 'yung gate tapos i-lock mo 'yung pinto, Cha!"

Tumango ako kay Kuya Charlie at kumaway bago isara 'yong gate nila. I went here to their house para alagaan si Rhai dahil pareho silang may flight ngayon. Ilang beses niya akong pinilit dahil noong una ay ayaw ko talaga dahil lalaki si Rhai at makulit. Ayokong mag-alaga ng batang makulit. Pero kalaunan ay pumayag na rin ako dahil wala akong choice, pamangkin ko naman 'yon at naaawa ako dahil walang mag-aalaga.

Ang sabi ni Kuya Charlie ay pwede ko namang dalhin si Rhai sa bahay pero huwag lang daw sa kung saan-saan dahil baka raw madapuan ng germs ang anak niya at magkasakit pa raw.

Pumasok ako sa loob ng bahay nila at nakita ko sa sahig ang nakaupong si Rhai habang nanonood ng TV. I scanned their house while Rhai is busy watching. Maraming nagbago noong huli kong punta rito. Mas naging malinis sila dahil nga may anak na sila. Matapos kong makita 'yong ibang parte ng bahay ay binalikan ko si Rhai.

Napangiti ako nang makitang ganoon pa rin ang pwesto niya. Mukhang hindi naman siya makulit tulad ng mga ibang batang lalaki. Karamihan kasi sa batang lalaki ay makulit talaga.

"Baby Rhai, come here," I extended my arms para abutin niya ito. He looked at me innocently and smiled. He's so cute.

Tumayo siya at naglakad papunta sa akin habang nakangiti. I kissed his cheeks and pinched it. Humagikgik siya at sumingkit lalo ang kanyang mga mata dahil doon. "Ang cute cute mo!" Pinisil ko ulit ang pisngi niya at binuhat siya papuntang sofa.

Nanonood lang kami hanggang sa magsawa siya. Tumayo ako para magluto ng tanghalian namin pero tumunog ang doorbell. Agad kumunot ang noo ko. Sino 'yon? Wala namang sinabi si Kuya Charlie na may pupunta ritong iba. Tinignan ko si Rhai at busy ito sa paglalaro ng mga laruan niya habang nanonood ng TV.

"Rhai, just stay there, okay?" I said to him while smiling and he just nodded.

Agad akong lumabas ng bahay at binuksan ang gate para makita kung sino 'yon.

"Wala rito 'yung—" hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko dahil agad nanlaki ang mata ko nang makita si Maverick na nakatayo sa harapan ko ngayon. Nakangiti siya sa akin at may hawak-hawak na paper bag ng jollibee ang kanang kamay niya habang ang kaliwa ay paper bag naman ng 7-eleven.

"Bakit ka nandito?" Agad na tanong ko at pinagbuksan siya ng gate para makapasok. Isinara ko iyon at nauna sa kaniya papasok sa loob ng bahay.

"Nagtaka ako kanina kung bakit magkasabay ang flight ni Kuya Charlie at Ate Rhina kaya ayon tinanong ko kung sinong nag-aalaga kay Rhai tapos ang sabi ikaw raw kaya pumunta ako..." Pagkukwento niya at hinarap ko siya.

"Wala kang pasok?" Tanong ko ulit. Dapat ay nasa trabaho siya ngayon pero bakit siya nandito?

He smiled awkwardly at me. "Nag-out ako, babalik ako mamayang 2pm" Tinanguan ko lang siya at dumeretso sa sala para tignan ang pamangkin ko.

"Nakapagluto ka na ba? Bumili ako ng siopao sa 7-eleven tapos ito nalang ipakain mo kay Rhai," itinaas niya ang mga paper bag na dala niya.

I nodded at him while hiding my smile hardly. Wala lang, natutuwa ako dahil hindi ko na kailangang magluto. Para siyang hulog ng langit. Hindi ko kasi alam kung anong lulutuin ko, maghahanap pa nga lang sana ako ng lulutuin e, ang kaso dumating siya. I'm saved.

Inakay ko si Rhai papunta sa lamesa habang si Maverick ay hinahanda ang mga kakainin namin. Pinaupo ko si Rhai doon sa upuan niya. Agad niyang itinuro 'yong chicken kaya natawa ako.

"Paborito niya 'yang chicken..." Maverick uttered.

I immediately looked at him, my eyebrows furrowed. "Paano mo nalaman?" Kukuha na sana ako ng plato ngunit agad ako pinaupo ni Maverick.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Where stories live. Discover now