II

1K 104 8
                                    

⚜   CHAPTER 2   ⚜

"YOUR imperial highness!"

The three royalties were interrupted from watching their people celebrate when a royal guard arrived with such hurry. Humahangos pa ang lalake senyales na kagagaling lang nito sa matinding pagtakbo.

"What is it?" The emperor asked with impatience.

Humugot muna ng malalim na hininga ang kawal bago nagsalita. "A-An intruder, your imperial highness. There's an intruder."

TODO pa rin sa pagpumiglas ang batang Alora kahit meron nang nakahawak sa kanya. Nakatali pa ang dalawang kamay niya. Kakaiba ang taling iyon, umiilaw ito ng kulay dilaw.

"Bitawan niyo po ako sabi!"

"Silence!"

Napatingin siya sa pinanggalingan ng malalim na boses na iyon. Nakita niya ang isang may katandaang lalakeng nakasuot din ng pang-kawal, the only difference is, he has a lot of golden badge on his right chest. Doon niya naisip na ang lalakeng iyon ay marahil ang pinakamataas sa iba pang mga lalakeng naroon, like a general of an army.

Nalihis ang tingin ni Alora sa pinto nang bumukas iyon. Dinala kasi siya ng mga kalalakihan sa loob ng kastilyo, pero hindi niya na napagtuunan pa ng pansin ang ganda ng istraktura ng lugar dahil sa kakapiglas niya.

"Where is he?" an authoritative voice spoke, coming from the hall's entrance.

Nadako ang tingin niya sa mga taong bagong dating. Kaagad siyang natigilan sa pagpupumiglas nang makita ang isang napakatikas na lalaking may suot na korona. Tama! Korona! It's the king! And beside him is the queen!... Or are they really?

"It's a girl your imperial majesty, a little girl to be exact." The general answered. Gumilid ito dahilan para tuluyang makita ng emperor ang isang maliit na batang babae.

Imperial majesty? Then that means he's an emperor! Not a king! He's higher than a king! Her mind babbled.

"Seems like they sent a little girl to be less suspicious." The general even assumed.

Alora is still in shock when the emperor approached her. He stood exactly in front of her. He has a very intimidating aura and a stern face. Her knees almost trembled as the emperor scrutinized her being.

"Reveal your true form," the emperor sternly ordered.

Tila nablanko ang utak niya. Nagsimula nang manginig ang kanyang mga labi.

Bakit ba siya nasa ganitong sitwasyon?

"Didn't you hear the emperor? He said show your true form!" Singhal ng pinuno ng mga kawal nang wala siyang ginawa.

Nagsimula nang magtubig ang kanyang mga mata. She wished to meet the royalties but not like this. Pakiramdam niya ay may ginawa siyang matinding krimen dahil sa uri ng tingin ng mga taong naroon sa kanya.

"Speak!" Doon na napigtas ang pagpipigil niya. Her tears started flowing like waterfalls. Kahit kailan ay hindi siya sinigawan ng mga magulang niya pero itong mga taong hindi niya naman kilala ay sobra ang pagsigaw sa kanya.

"Bad ka! Susumbong kita kay mama!" She spatted before trying to break free from the guard holding her in place. "Lagot kayo sa tatay ko!" she sobbed.

Nagsimula nang ngumawa ang batang Alora. Hindi siya palaiyak pero bago pa lang sa kanya ang mawala sa tabi ng mga magulang. Isama pa na naisip niya na ngayon ang posibleng kalagayan ng mga ito, huli niyang kita sa mga magulang ay may umaatake sa mga ito kaya hindi niya na talaga napigilan ang pag-iyak.

'Til Our Next EclipseWhere stories live. Discover now