XXIII

804 72 17
                                    

⚜ CHAPTER 23 ⚜

DALA-DALA ang librong galing sa forbidden library, bumalik ako sa gubat kung saan ko iniwan ang wilfor.

I need to seek for help. Hindi ko na alam kung paano mapapasakamay ang Forbidden Book of Spells na iyon. Maybe that wilfor knows something. I don't know, but it seems like that creature holds a lot of knowledge. Tila may alam ito na hindi dapat malaman ng iba. Kung ano man 'yon, it's no longer my business. But I could use some of its knowledge right now.

Tahimik lang ako sa paglalakad nang may hindi pamilyar na babae ang humarang sa aking daraanan. Awtomatiko akong napatigil sa paglalakad.

It's a girl with brown, pixie hair. May pagkasingkit ito pero nagmukha itong maangas dala ng kanyang winged eyeliner. Seryoso ang titig nito sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang balikat nang mapansin ang suot niyang kapa... kulay pula.

"I'm Kealsia, a healer and a member of Hail Revision."

My brows furrowed in confusion. "Hail Revision?"

"The group whose two members attacked you." She answered still with a straight face.

Pumroseso pa sa utak ko ang kanyang sinabi bago ko tuluyang naintindihan ang tinutukoy niya.

She's talking about the clone manipulator and the other guy.

And she's also a member of that group?

Pumangit kaagad ang timpla ng mukha ko. Casimir's right. This group is really after me.

"What now?" Ano na naman bang kailangan nila sa akin?

"I just want to make things clear. Yes, it was our plan to slightly hurt you, to know what power you possess. Nandoon ako ng kaganapang iyon. Para pagkatapos naming malaman ang iyong lakas ay kaagad din kitang pagagalingin, for as I said, I am a healer."

Hindi nagbago ang ekspresyon ko sa sinabi niya.

What? Did she expect that I will immediately forgive them just because of that?

"But things took a turn, hindi kita nagawang pagalingin dahil hindi pa man namin napapalabas ang kapangyarihan mo, mayroon nang sumagip sayo." Napaiwas ng tingin ang babae.

Tila naman nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

Nagligtas sa akin...

"So I'm here to say I'm sorry. Things aren't supposed to end that way."

Nakita niya ang nagligtas sa akin?

Naglakad na ang babae palampas sa akin kaya kaagad akong naalarma. "Sandali!"

Mabilis naman itong huminto bago ako nilingon nang may takang ekspresyon.

"Sabihin mo sa akin kung sino siya." Mas kumunot ang noo nito, mukhang hindi nakuhuha ang pinaparating ko. Napahinga ako nang malalim. "Iyong nagligtas sa akin... Sino siya?"

Nakita ko ang pagkatigil sa mga mata nito sa aking tanong, pero hindi nagtagal, ang pagkatigil na iyon ay napalitan ng pagtataka. Tuluyan na itong humarap sa akin bago naglakad pabalik sa kinaroroonan ko.

"Hindi mo nakita ang nagligtas sayo?" Tanong nito pagkahinto sa harapan ko.

Umiling ako. "Nang magising ako ay hindi ko na siya naabutan."

Sandali itong hindi nakapagsalita. Napatingin ito sa malayo, nag-iindikang may malalim itong iniisip. Hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang tumatakbo sa isip nito.

'Til Our Next EclipseWhere stories live. Discover now