XIV

721 66 11
                                    

⚜ CHAPTER 14 ⚜

THE library is sectioned according to different subjects and topics. Dahil doon ay mas mapapadaling hanapin ang kailangan mo. There's History Section, Combat Section, Latreíans' Anatomy Section, and bingo! The one I need, Wizardry Section.

"I'll take it from here, Milary."

"Sigurado ka? Okay ka na rito?"

"Yeah, I'm sure, thanks for your help."

"Sige, tawagin mo lang ako kung may kailangan ka."

She left as I immediately walked towards the Wizardry Section.

This library is undeniably cozy—it consists of red bricks, wood materials, stone walls, red carpet, and even a few fireplace—a perfect reading spot for every bookworm. May mga estudyante ring nasa loob at nagbabasa pero bilang lamang sila sa daliri.

Lumapit ako sa isang shelf at nagsimulang pasadahan ng tingin ang mga titulo ng libro.

I am in the Wizardry section. I believe this is the most likely section to publish an information about opening a portal.

The Practice of Levitation, How to Tame Using Spells, Best Spells for Offense, Best Spells for Defense, Must Read: Mastering Spells...

Naabot ko na ang dulo ng estante pero wala pa rin akong nabasang titulong may kinalaman sa portal o lagusan.

Lumipat ako sa susunod na hanay at pinagpatuloy ang paghahanap. Pero katulad ng kanina, bigo pa rin ako sa paghahanap. Hanggang sa may mamataan akong hindi naman konektado sa hinahanap ko, pero nakatawag sa aking pansin.

The Most Dangerous Spells

Without second thoughts, I immediately reached for that book and pulled it out. But to my surprise, it did something beyond my expectation of a simple book— it talked!

"Are you sure you want to read me?"

Sa gulat ay nabitawan ko ang libro. Nakalikha ng tunog ang pagbagsak n'on. Sa kabutihang palad, ako lang ang tao sa parteng ito.

I stared at the fallen book right beside my feet. Did that thing really talk or is my imagination just playing tricks with me?

Yumuko ako para abutin ang libro pero may iba nang kamay ang kumuha roon. Kaagad akong napatunghay sa nagmamay-ari ng kamay na 'yon.

It was a guy with red hair... and a red cape.

Umayos ako ng tayo, kasabay din ng kanyang pagtayo mula sa pagkakayuko.

"Mukhang nagulat ka ng librong 'to." He looked at me and smiled.

Dahil sa pagngiti niya ay napansin ko ang piercing sa kanyang pang-ibabang labi. Meron din siyang piercing sa kanyang pulang kilay, at sa gilid ng butas ng kanyang matangos na ilong.

The piercings suit him since he got the looks. Maputi rin ang balat niya. He looks exactly like those typical bad boys that a lot of girls swoon over.

"The most dangerous spells," he read the title. He grinned and looked at me again. "You wanna learn the most dangerous spells?"

Sandali akong hindi sumagot. Naintriga lang naman ako kaya inabot ko ang librong iyon.

Instead of answering him, binatuhan ko siya ng panibagong tanong na kanina pa bumabagabag sa akin.

"Talaga bang nagsalita ang librong 'yan?"

"Lahat ng libro rito nagsasalita."

Nabigla naman ako sa rebelasyong iyon.

'Til Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon