XVIII

803 71 12
                                    

⚜ CHAPTER 18 ⚜

DO I have a choice?

"Be my date."

Napapabuntong-hininga na lang ako habang kasalukuyang naglalakad sa direksyon na tinuro sa akin ng isang propesor. Paano ba naman, tulad din pala ng sa Study of Wizardy na kailangan ng wand, sa Combats for Survival ay kailangan naman ng weapon.

So here I am, mag-isa na namang naglalakad patungo sa gubat na sinabi ng propesor. Ni hindi ko nga alam na may gubat pala rito.

"Ano? Seryoso ka ba?"

"Of course, I am. I want you to be my date."

Tanging iyon lang ang instruksyon ng propesor, ang magpunta ako rito. Wala siyang sinabi kung paano makakakuha ng sandata. He said that it's for him to know and for me to find out.

Great.

"Nababaliw ka na ba? Magiging isang malaking issue iyang gusto mo."

"Why? I don't see anything wrong with that."

I continued walking and walking. Ni hindi ko na nga alam kung tama pa ang daang tinatahak ko. Mayroon ba talagang gubat dito? Baka naman pinaglololoko lang ako ng propesor na iyon?

"Maaaring ikaw, walang nakikitang masama roon. Pero ang iba?"

"Just tell me if you don't wanna agree. Madali lang naman akong kausap. However, your disagreement will also lead to my disagreement. Hindi kita sasamahan sa seksyon ng mga pinagbabawal na libro."

"Wala ka na bang ibang pwedeng maging kondisyon?"

"Wala na. Either take it or leave it."

"Fine. Kailan mo ako maaaring samahan?"

Napabuntong-hininga na lang muli ako sa naging pag-uusap namin ni Zalestine.

I didn't had a choice. Either I get that book and be his date or get stuck in this place.

But thinking about it... kung sakaling malaman ko na kung paano gumawa ng portal, maaari namang umalis na ako kaagad. Sa gayon, hindi ko na maaabutan ang okasyong sinasabi niya at hindi niya na ako magiging date.

But the thing is, I'm not the kind of person to deceive someone. I gave him my word. I shall be fair with him and act as I promised.

"Let's meet tomorrow. I'll accompany you to the section of forbidden books."

Natigil ako sa paglalakad nang sa wakas ay marating ko na ang paanan ng gubat. That professor isn't lying all along. There really is a forest here.

Napatitig ako sa itim na gate na nangangalawang na. Halatang matagal nang napabayaan. Sa pinakatuktok na bahagi ng gate ay may pahaba at paarkong itim na bakal kung saan nakaukit ang mga salitang... Forest of Demise.

Tumagilid ang ulo ko.

Hindi ko mawari kung dapat pa ba akong tumuloy sa pagpasok. Nababalutan ng makapal na hamog ang buong gubat. Hindi ordinaryo ang anyo nito. The longer you stare at it, the chiller it feels. Nakakapanindig-balahibo.

Ilang beses kong iniling ang ulo.

Sinantabi ko na lang ang aking mga agam-agam. I need to have a weapon. At dito ko lang iyon sa gubat makukuha.  Kaya naman kahit nagdadalawang-isip ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.

'Til Our Next EclipseWhere stories live. Discover now