XI

758 75 17
                                    

⚜ CHAPTER 11 ⚜

WHY does it feel like I've already seen this stone before?

Mataman kong pinagmamasdan ang batong hawak. Malalim na lila ang kulay nito at kumikinang ang ibang parte. It looks like a crystal but not completely. Mas mukha pa rin itong bato.

I'm currently in a wrecked wooden ship. Dito ako dinala ni Sylvester para sa celestial stone. Ito ay nasa kailaliman ng karagatan ngunit ang loob ng barko ay hindi pinapasukan ng tubig sa hindi ko alam na dahilan. Maybe, that has something to do with these stones. Yes, these.

Hindi lamang isang celestial stone ang narito. And guess what, ang iba ay hindi lang stone, some are even rocks! Masyadong malaki ang iba para tawaging stone. Mas malalaki pa nga sa akin, merong hanggang bewang ko, meron ding hanggang hita. Pare-parehas sila ng itsura, sa laki lang nagkakatalo. May maliliit din naman, at ganoon ang hawak-hawak ko ngayon at matamang pinagmamasdan.

Where did these stones come from? Why are they called celestial and how did they even end up in this wrecked ship? May kinalaman kaya ang mga ito sa paglubog ng barkong ito?

Pinagmamasdan ko pa rin ang batong hawak nang biglang may mahagip ang aking mga mata.

Napaatras ako nang biglang may pumaikot na asul na usok sa akin. Gumalaw ako para maalis iyon pero tila nakadikit na sa aking katawan ang usok. Hindi nagtagal ay nawala din iyon. Pero may lumitaw pa ulit na dalawang asul na usok sa aking harapan. Pumaikot-ikot iyon sa isa't-isa hanggang sa pumorma iyon ng isang tao, hanggang sa ang usok lang ay tuluyan ngang naging isang lalake.

Nangunot ang aking noo. Paano siya nakapunta rito? Or rather, paano niya alam ang lugar na ito?

Ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Sylvester ay ako ang unang taong nakarating dito simula nang lumubog ang barkong ito.

"Congratulations, Southern Latreían! You have won the search!"

Nanatili akong nakatitig sa lalake. Nakangiti ito pero hindi no'n matatago sa akin ang sinasabi ng kanyang mga mata. Something is troubling him.

"I am Ikaros, a professor in Sun Latreía Academe. My spiritual form is here, but not my physical form. This is a product of my power as a Sovereign. May I know your power ranking, Southern Latreían?"

Naging blangko ang aking tingin sa kanya. He's asking whether I'm an Inferior, a Superior, or a Sovereign.

"What for?" Matigas kong pahayag. Napakurap ang propesor sa aking asta. "Ganoon ba talaga kaimportante ang kapangyarihan ng isang tao, na talagang mas inuuna niyong alamin ang antas ng aking kapangyarihan kaysa ang aking pangalan?"

Sandali itong natigilan sa aking tinanong. Makalipas ang ilang sandali ay napatikhim ito.

"I am sorry for my manners, may I know your--"

"Bespren!"

Marahas akong napalingon sa sumigaw. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita si Hiro.

"Paano ka nakapunta rito?!" Gulat kong pahayag.

"Sinundan ko kayo ng alaga mo." Parang wala lang na sabi nito.

"At bakit?!"

"Baka mapahamak ka, kailangan mo nang magliligtas sayo!"

"Kasama ko naman kanina si Sylvester, Hiro." Dahilan ko.

"Bakit? Magagawa ka bang i-CPR no'n kapag nalunod ka?"

'Til Our Next EclipseWhere stories live. Discover now