XII

798 79 6
                                    

⚜ CHAPTER 12 ⚜

AFTER the so called welcome greetings for me, professor Helia ushered me to the headmaster's office.

Pinagmamasdan ko ang paligid habang tinatahak namin ang daan. This school is indeed huge, walang-wala ang mga ibang paaralan dito. There are trees with purple leaves almost everywhere. Ang iba ay may bunga pa na prutas na kulay ginto. I wonder what those taste like.

May mga ilan ding insektong lumilipad na mahahalintulad sa mga alitaptap, they are called lightflies here. Ngunit iba-iba ang kulay nila, hindi lamang dilaw. May mga luntian, may kahel, may rosas, at may asul.

Bumalik lang ang tingin ko sa harap nang maagaw ng isang malaking gusali ang atensyon ko. It's made of bricks and glass, an absolute combination of ancient and modern.

In front of the building are six tall pillars, similar to those in Greek history and architecture. I remember admiring those in books nung nasa Earth pa ako. The difference is, the pillars I'm admiring right now are all made of gold.

Sa bawat pagitan ng haligi (pillar) na iyon ay may malalaking pinto. Dahil may anim na haligi, ay may limang pinto sumatutal. Pumasok kami sa isa ro'n.

A fancy and dramatic lobby welcomed us. Kung gaano ka-simple sa labas, ganoon naman ka-komplikado sa loob. There are a lot of statues and paintings of the sun, para akong pumasok sa isang museo.

Tumigil sa paglalakad si professor Helia kaya ganoon din ako. Nakatingala ito sa chandelier. Dahil doon ay napatingala din ako.

Bakit? Anong meron doon?

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang unti-unting bumaba ang chandelier. It went down towards our direction. Soon after, the round crystals from its sides floated and formed a stair that goes up the top of the chandelier.

Doon ko napagtanto na hindi lang ito basta-basta chandelier. Sa pinakatuktok no'n na hindi nakikita kapag nasa itaas ito, ay patag na pwedeng tuntungan. Umakyat doon si professor Helia sa tulong ng mga kristal na nagpormang hagdan.

She then, offered me a hand which I took. Pagtapak na pagtapak ko sa tuktok ay pinadyak niya ang kanyang paa ng tatlong beses. And just like that, the chandelier started floating.

"You know what, sa lahat ng mga studyanteng unang beses nakasakay dito sa aranya (chandelier), ikaw lamang ang hindi pinanginigan ng tuhod." Panimula ng propesor. Diretso lamang ang tingin nito habang nagsasalita. "At maging kanina, karamihan sa mga studyanteng unang beses pumasok ng portal ay kinakailangan pang sambutin gamit ang kapangyarihan para hindi sumalampak. Karamihan nga'y hindi talaga nasasanay sa portal at hindi talaga nakakalapag nang maayos sa lupa. But you," humarap na ito sa akin na may takang tingin. "How did you manage to land so easily?"

Pinanatili ko ang tingin sa harap.

"I love adventures. Hindi na bago sa akin ang lahat ng iyon." Not to mention that I've experienced worse. Climbing a floating mountain with no flying tamed beast is a perfect example.

"Oh." Bumalik na ang tingin nito sa harap.

Sakto namang naabot na namin ang pinakatuktok. Meron palang pinto roon na kulay ginto. Kumatok ang propesor ng tatlong beses at kusang nagbukas ang pinto.

Maingat kaming humakbang, mula sa aranya, papasok sa loob ng opisina.

The headmaster's office is filled with glowing yellow linings on every corner and ceilings. Pero ang pinakakapansin-pansin sa akin ay ang isang napakalaking goblet. Hanggang bewang ko iyon, at sa tuktok no'n, ay mayroong puti na apoy na malayang bumubuga. Wala iyong nililikhang usok, and by the looks of it, I know that white fire can do something special.

'Til Our Next EclipseWhere stories live. Discover now