Chapter 4

3.9K 124 9
                                    

Maaga akong gumising dahil may pasok ako, pagkatapos ko naligo at nagbihis, bumaba na ako para kumain ng agahan.Malapit na ako sa kusina, rinig ko na agad ang boses ni kuya Zack at ate Zia.

"Isusumbong talaga kita kay Daddy, Ziandra!"galit na sabi ni kuya.

"Good morning po,"bati ko sa kanila.

"Zen, hatid na kita sa university, wala si manong ngayon,"ani ni kuya.

Tumango lang ako kay kuya, naglagay lang ako ng isang slice na tinapay sa aking plato at nagsalin sa baso ng orange juice.

"Ayaw mo mag-aral sa US, Zen?"tanong ni ate sa akin.

Napabuntonghininga ako.

"Tapusin ko lang po this year, doon ko na po ipagpapatuloy ang pag-aaral ko sa States,"

"Baka ipapasok mo si Zen sa Assassin' malilintikan ka sa akin, Ziandra!"masama na tiningnan ni kuya si ate Zia.

Tumawa lang si ate.

Napapailing na lang ako sa kanila.Tinapos ko na ang aking pagkain at tumayo na.

"Kuya hatid mo na ako, bye ate!"humalik muna ako sa pisngi ni ate Zia.

Lumabas na ako at pumunta na sa kotse ni kuya Zack.

"Wala kanang nakalimutan?"tanong ni kuya sa akin.

"Wala na po,"

Agad na kaming umalis.

Pagdating sa University, agad na akong bumaba.

"Bye kuya,"

"Ingat ka baby,"agad ding umalis si kuya Zack.

Papasok na ako sa university nang nakita ko si Sheena.

"Sheena!"sigaw ko.

Tumigil ito at lumingon.

Dali dali akong lumapit sa kan'ya.

"Bakit nakasimangot ka?"tanong ko sa kan'ya.

"Dinala ni kuya sa bahay ang babaeng nang iwan dati sa kanya!"

Bigla ako napatigil sa paglalakad.

"Bakit Zen?"nagtatakang tanong ni Sheena.

"Ha! W-wala ,tara na,"hinawakan ko ang kamay niya papunta sa classroom namin.

"Punta ka sa bahay, sa engagement party nila,"ani ni Sheena sa akin.

"H-hindi siguro ako puwedi,"kagat labing saad ko.

"Ang daya mo, kapag ikaw nagsasabi sa akin na pupunta sa party, napunta ako!"naiinis na saad ni Sheena sa akin.

Napabuntonghininga ako.

"S-sige, k-kailan ba?"nanginginig na ang boses ko.Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko.

"Sa isang araw, nagmamadali yata si Elaine!"

Hindi na ako umimik.Parang bigla na lang ako nawalan ng gana sa klase.Tahimik lang ako.

"May bagong teacher tayo, ang ganda niya!"saad ng kaklase kong lalaki.

"Yeah pare, pinagkakaguluhan na siya ng mga senior student,"nakangising saad ng aming Class President.

Napalingon kami lahat sa pinto nang may pumasok na isang napakagandang babae, ang tangkad niya.

"Morning,"

Tinitigan ko ito, parang pamilyar siya sa akin.

"Good morning, I'm your Teacher Selene Miller,"nakangiti na saad niya.

Worst KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon