Chapter 7.

3.9K 125 11
                                    

Hindi ako mapakali.Baka hanapin ako sa amin.Napatingin ako kay Jaime.Seryoso itong nagmamaneho.

"Jaime?"mahinang tawag ko.

"Yes?"

"Si Elaine? Iniwan mo siya sa engagement party mo,"nag-aalalang saad ko sa kaniya.

"Huwag muna natin isipin sila, magkasama na tayo Zen, okay?"ani niya.

"Paano kung hahanapin ako sa amin?"nag-aalalang saad ko sa kaniya.

"Nasa US ang mommy at daddy mo, si Zia nasa ibang lugar siya, si Zack uuwi sila ni Kara sa Sorsogon, i-text ko na lang si Sheena na tumawag sa bahay ninyo,"mahabang saad niya na hinawakan pa ang aking kamay.

"A-anong gagawin natin sa Batangas? Kaninong bahay tayo tutuloy?"

"Doon nakatira si Cassy at Ulysses, may kubo ako doon,"

"Jaime, wala akong damit,"

"No need, huhubarin din naman,"

Biglang nag-init naman ang mukha ko.

"Go sleep, gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo, dahil mahaba-haba pa ang biyahe,"ani ni Jaime na hinila ang aking ulo at sinandal sa balikat niya.

Napapikit naman ako.Langhap na langhap ko ang pabango na ginamit niya.Sobrang bango niya at parang hinihila na rin ako ng antok.Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

"Baby? Zen? Nandito na tayo,"bulong ni Jaime na panay ang halik sa leeg ko.

"Hmmmmm....?"umungol na lang ako dahil nakapasok na ang kan'yang kamay sa aking dibdib at panay ang pisil nito.

Nagmulat na ako at panay ang kusot ko sa aking mga mata.

"Nasaan ang pouch ko?"mahinang tanong ko kay Jaime.

"Here,"inabot niya ito sa kinuha ko ang aking salamin sa mata at sinuot ito.

"Let's go, maglalakad pa tayo,"ani niya.

"H-ha, naka stiletto ako,"

"May tsinelas ako dito sa kotse, suotin mo,"

Kinuha niya ang tsinelas sa likuran at binigay sa akin.Hinubad ko ang aking stiletto.Bumaba na kami sa kotse, pinasuot ni Jaime ang kaniyang Jacket sa akin.

"Hindi ba mawawala ang kotse mo?"tanong ko sa kan'ya.

"Nope, mabait ang mga tao dito, at kilala na nila ako,"ani ni Jaime na inaalalayan ako.

Sa palayan na kami dumaan, ang cellphone na namin ang ginawa naming ilaw.Medyo malayo-layo ang nilakad namin bago kami nakarating sa isang di kalakihan na kubo.May kinuha si Jaime na susi sa gilid ng pinto na nakatago ito.

Agad niya itong binuksan, kawayan ang sahig ng kubo.May dalawang baitang hagdan ito, umakyat na kami at sinarado na ni Jaime ang pinto.

May maliit na kutson na padalawahang tao lang ang kakasya, at may anim na unan, meron din na blanket.Kahit kubo lang, ang mga gamit naman ni Jaime ay magaganda.

Pumunta si Jaime sa  isang maliit na durabox, kumuha ito ng boxer at T-shirt, at ibinigay sa akin.

"Palitan mo na ang iyong damit,"ani niya sa akin.

Agad ko naman ibinaba ang gown ko.Nagpalit rin si Jaime ng sando at boxer.Inilatag na niya ang kutson.

"Jaime, baka hanapin tayo,"nag-aalalang saad ko.Hindi talaga ako mapakali.

"Hayaan mo sila,"ni hindi ko man lang naramdaman na nag-alala ito.Iniwan niya si Elaine sa mismong engagement party nila.

"Come here,"ani niya na itinaas ang kamay para abutin ako.

Worst KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon