Chapter 19

4.1K 110 12
                                    

"Sige na Zen, pumayag na nga si Mia eh!"pangungulit sa akin ni Sheena.

Kasalukuyang nasa canteen kami, kumakain ng tanghalian.

"Baka magagalit si kuya kapag malamang niya na pupunta tayo sa bar."nag-aalalang saad ko kay Sheena.

Nakanguso na naman ito sa akin.

"Nag-paalam naman ako sa kuya mo, I told him na sa bahay ka matutulog, kase nga kaarawan ko ngayon."

Kaarawan ni Sheena ngayon at nineteen na ito.Malapit na rin ang aking kaarawan, si Mia matagal pa ang kaniyang kaarawan, mas matanda kami kay Mia ng walong buwan.

"Sigurado ka na payag si kuya Zack?"

"Hindi ko sinabi sa kaniya na pupunta tayo sa bar, sinabi ko na sa bahay kayo ni Mia matutulog."

"Mia, pinayagan ka ba ng asawa mo?"tanong ko kay Mia.

"Nasa ibang bansa siya."malungkot na saad ni Mia.

Napapansin ko lagi na malumbay si Mia.Minsan sobrang lungkot nito.

"B-basta uuwi tayo agad, at huwag tayo uminum ng alak doon."kinakabahang saad ko kay Sheena.

Tuwang-tuwa naman si Sheena.

"Juice lang ang iinumin natin."nakangiting saad ni Sheena.

"Sheena baka m-magalit ang kuya Jaime mo."mahinang saad ko naman.

"Wala si Kuya Jaime, nasa ibang bansa siya."nakangiting sagot nito.

Nasa ibang bansa? Kaya pala hindi na ito nagpaparamdam na halos isang linggo.

Napabuntong hininga ako.I admit, I really missed him.

"Sa bahay na kayo matutulog ha! Wala sila Mommy at Daddy, nasa US sila."pumalakpak pa si Sheena.Tuwang-tuwa pa ito na kahit espesyal na araw na ito sa kan'ya, okay lang na kahit wala ang parents niya.

"Wala kaming baon na damit."saad ni Mia.

"Sa bahay na, marami akong bagong damit at undergarments."excited na saad ni Sheena.

"Okay lang ba ganito ang suot namin, na pupunta sa club?"tanong ko kay Sheena.

"Okay lang iyan."

Nakasuot ako ng skirt at fitted blouse.Si Mia naman naka dress ito, ganoon din si Sheena.

Tinapos na namin ang tanghalian namin at pumunta sa lady's comfort room.

Nakasalubong pa namin ang grupo nila Clark.

"Arte."ani ni Clark.

Nginitian ko naman ito.

"Arte, I'm sorry what happened the other day."sincere na saad ni Clark.

"Okay lang Clark, I'm sorry kase pinaasa kita."mahinang saad ko sa kaniya.

Yumuko ito.

Maya-maya lang umangat din ang ulo niya at sinalubong ang aking mga mata.

Napakaguwapo ni Clark.Lahat nasa kan'ya na rin ito.

"It's okay, but if you want to talk, I'm here only, special ka sa buhay ko Arte."

Ngumiti lang ako sa kan'ya.

"Sige mauuna na kami."ani ko.

Agad ko naman hinila ang dalawang kaibigan ko.

"Sincere naman yata si Clark."ani ni Sheena.

Pumasok na kami sa loob ng comfort room.Napatingin kami kay Gabriel Elena Lee na kapatid ni Gold.Tahimik lang ito.Kahit presidente ang kanilang Daddy, napaka humble pa rin nila

Worst KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon