Chapter 8

3.8K 115 5
                                    

"Here, mga damit at undergarments,"inabot sa akin ni Jaime ang isang malaking plastic.

"T-Thank you,"mahinang saad ko sa kan'ya."Saan ako puwede maligo?"

"Pupunta tayo mamaya sa falls, maghahanda muna ako ng agahan natin,".

Tumango lang ako.Bumaba na ito, sumunod rin ako sa baba.

Nagdikit ito ng apoy sa kahoy, nakatingin lang ako kay Jaime.Hinubad nito ang kanyang damit at sinabit sa dingding.Ang ganda sobra ng katawan ni Jaime at sobrang kinis.Hitik na hitik ang muscles.Umiwas ako ng tingin nang biglang tumingin ito sa akin.

"Inumin mo mamayang gabi ang pills na binili ko,"ani niya."Hangga't maaari mag-ingat tayo na hindi ka mabubuntis, Zen".

Hindi na ako umimik, panay lang ang tango ko sa kan'ya.

Napaubo ako nang malanghap ko ang usok.

"Punta ka doon, nauusukan ka,"utos niya sa akin.Pumunta naman ako sa kabilang gilid na walang usok.

First time ko talaga ng ganito, first time ko na pumunta sa bukid.Pero ang sarap sa pakiramdam lalo presko ang hangin at hindi maingay, tanging huni lang ng ibon at ng ibang hayop ang napapakinggan.

Umakyat muna ako sa taas ng kubo para kunin ang aking cellphone.Napasimangot na lang ako na wala itong signal.

"Walang signal dito, malakas lang ang signal kapag nasa bayan, or doon banda sa mansion nila Ulysses at Cassy,"

"Puwede ba pumunta tayo mamaya doon, gusto ko lang tawagan si kuya, baka nag-alala na sila sa akin,"mahinang saad ko sa kan'ya.

"Tatanungin ka ni Zack kung saan ka, ano sasabihin mo?"seryosong tanong nito sa akin.

"S-sasabihin ko na nagbakasyon ako,"kagat-labing saad ko.

"Do you think na maniwala siya sa iyo? Babalik naman tayo sa isang araw sa Manila Zen, kaya huwag mo na tawagan ang kuya mo,".

Napabuntonghininga ako.Hindi ako mapakali.Lumapit si Jaime sa akin at hinapit ang bewang ko.

"Don't worry, babalik naman tayo.Ayaw mo bang makasama ako dito?"tanong niya sabay halik sa aking labi.

"Ah.. g-gusto, masaya ako na magkasama tayo,".

"Agang-aga naman niyan Vicente!"

Tinulak ko si Jaime nang may nagsalita sa likuran ko.Napalunok ako nang nasa likuran ko si kuya Ross.

"K-kuya Ross!"ani ko na nahihiya at kinakabahan din.

"Alam ba ni kuya mo na nakipagtanan ka kay Vicente?"tanong ni kuya Ross sa akin.

"Fuck you Ross! May nagtatanan ba na nagpapaalam!"inis na saad ni Jaime.

"Gago, amputa! Lagot ka talaga kay Santiago!"ani ni kuya Ross.

Napangisi naman si Jaime, hinila niya ako palapit sa kan'ya at inakbayan ako.

Napayuko na lang ako, nahihiya ako kay kuya Ross.May inabot sa akin si kuya Ross na isang supot.

"Ipinagluto kita ng pagkain kay manang,"

"Salamat po kuya,"

"Zen, ano ba nakikita mo kay Vicente? Bakit hindi ka na lang nagkagusto sa kaedad mo, labing-anim ang tanda mo kay Jaime!"ani ni kuya Ross sa akin.

Napatingin tuloy ako kay Jaime.Nakangisi naman ito.Bakit nga ba siya ang gusto ko?Guwapo, matangkad, maputi, maganda ang katawan, mayaman, at magaling sa-..Bigla naman ako napaiwas ng tingin.

Worst KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon