Chapter 6

3.9K 129 14
                                    

Naalimpungatan ako ng biglang tumunog ang aking cellphone.Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa tabi ng pinto.Mag-aalas sais pa lang ng umaga.

"Hello?"mahinang sagot ko.

"Mamayang gabi na ang engagement ni kuya, punta ka ha,"ani ni Sheena.

Huminga ako ng malalim.

"S-sige, baka pupunta din si kuya Zack, sasabay na lang ako,"mahinang saad ko kay Sheena.

"Thank you, bestfriend.Hihintayin kita mamayang gabi, bye!"

Mapait akong ngumiti.Ilang araw din hindi na nagparamdam sa akin si Jaime, after na may nangyari ulit sa amin dito sa bahay, at iniwan akong parang basura lang.

Nakatitig lang ako sa kisame, I won't cry anymore, it's enough that I've been hurt a many times.

Huminga muna ako ng malalim bago tumayo.Ginawa ko muna ang morning routine ko, nagpalit ng damit at bumaba na.

"Morning kuya,"nakangiting saad ko kay kuya Zack.

"Morning,"bati naman ni Kuya.

"Kuya bakit hindi mo dinala ang girlfriend mo dito?"tanong ko kay Kuya, napag-alaman ko kay ate Zia na may girlfriend si kuya Zack na kaedaran ko lang.

"Pagdating na nila Mommy, saka ko na dadalhin dito,"ani ni Kuya.

Tumatango-tango lang ako.

Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako sa sala.Mamaya ko na igayak ang dress na susuotin ko.

"Kuya?"

"Why?"

"P-pupunta ka ba sa engagement ni Jai-Ku-kuya Jaime?"

"Nope, walang kasama si Kara mamayang gabi sa condo, susunduin ko siya ngayon sa bahay nila Jane,"

"Ganoon po ba,"kagat-labing saad ko.

"Pahatid ka na lang sa driver then magpasundo kana lang pag-uuwi kana,;sa kasal na ni Jaime ako pupunta,"ani ni kuya na tumalikod na ito at umakyat na sa taas.

Kung hindi lang dahil kay Sheena, ayoko talaga pumunta.

Mamayang alas siyete ng gabi pa naman ang start ng party.Marami pang oras para makapag prepare ako.

Lumabas muna ako ng bahay at nagdilig ng mga halaman ni Mommy.Kapag walang pasok, tumutulong ako kay yaya o sa mga katulong na nagdidilig ng mga halaman ni Mommy.

After ko nagdilig, dinampot ko ang mga dahon na nahuhulog sa damohan.

"Zen, baby! Alis na ako!"ani ni kuya Zack.

"Opo, ingat ka kuya!"

Tinapon ko muna sa basurahan ang mga dahon na nakuha ko.Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso na umakyat sa aking silid.

Agad na akong dumiretso sa shower dahil sobrang lagkit na ng pakiramdam ko, gawa ng aking pawis.After kong naligo at nakabihis na din, humiga ako at nanuod muna ng movie.

Halos hindi ko namalayan na tanghali na, kung hindi pa ako tinawag ni yaya para kumain.Kasabay kong kumain sila yaya at ang mga ate ko na kasambahay namin.

"Damihan mo kumain, Zen.Namamayat kana,"sermon ni yaya sa akin.

"Opo,"napadami naman ang kain ko sa sarap na niluto ni yaya.
After kong kumain, nagpaalam na ako sa kanila na magpapahinga na ako.Sinabi ko rin kay yaya na aalis ako mamayang alas-sais ng gabi.

Pagdating ko sa silid, agad kong ginayak ang susuotin kung dress.Black sleeveless ito, kita ang aking likuran, at may slit ito sa gilid.Binili ito ni ate Zia sa akin.
Magsusuot na lang ako ng contact lens, hindi kasi bagay kapag naka salamin ako, pero dadalhin ko pa rin ang aking salamin mamaya.

Worst KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon