Chapter 26

4.7K 130 3
                                    

Naalimpungatan ako nang may humahaplos sa aking buhok.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Baby?"

Isang napakaguwapong mukha ang bumungad agad sa akin.

"Kailangan mo na umuwi, nandito na si Gold."

Nakatitig lang ako sa kan'ya.

I missed him.

Ngumiti lang ako at bumangon.Naisuot na ang mga saplot ko sa katawan.

"U-uuwi na ako."mahinang saad ko sa kaniya at umiwas ng tingin.

Hinila ako nito at niyakap nang mahigpit.

"Malapit na.Aayusin natin ito."

Humarap siya sa akin at mariin akong hinalikan.

Lumabas na kami sa silid niya.Naabutan ko si Gold na nakaupo.

"Let's go, baka hanapin na tayo ni Daddy mo."aniya ni Gold sa akin.

Diretso akong lumabas sa pinto na hindi na tumingin kay Jaime.

Nang nasa elevator na kami agad ako sinumbatan ni Gold.

"Bakit hindi mo sinabi kay Vicente na nakaalala ka na."

Napabuntong hininga ako.

"Susunod naman siya sa US.Doon ko na lang sabihin sa kan'ya."mahinang sagot ko.

"Alam na niyang buntis ka Zen, lalo't nababaliw na si Vicente sa iyo."natatawang saad ni Gold.

Hinaplos ko ang aking tiyan.

"Paano niya kaya nalaman, hindi pa naman malaki ang tiyan ko."ani ko kay Gold.

"He's a Doctor.Nakasama ko siya sa med course, pero after niya naka graduate, hindi na siya kumuha ng Physician Licensure Examination."

Nanlalaki naman ang mga mata ko.

Ang tagal na naming nagkakilala ngayon ko lang nalaman na Doctor pala siya.

Nang nasa mansion na kami agad naman ako nagpasalamat kay Gold.

"Gold thank you.Napakabait mo.Thank you rin sa pag-aalaga kay ate Zia.Kahit alam kong mali na itago ito sa aking pamilya na buhay pa siya."

Nalaman ko kay Gold na buhay pa si ate Zia.Noong nakaraang araw iniyakan ko magdamag na akala ko patay na si ate.

"Your welcome.Sige na pumasok ka na sa loob."

Niyakap ko ito ng mahigpit.Si Gold tumulong sa akin na ipaalam ako kay Daddy.Ayaw ni Daddy lumabas ako ng bahay.At ayaw rin nito na magkita pa kami ni Jaime.

Agad na akong bumaba sa sasakyan ni Gold at dali-daling pumasok na ako sa loob ng mansion.

"Hating-gabi na.Kay Gold ka ba talaga galing? Si Gold ba talaga ang kasama mo?"diin na tanong ni Daddy sa akin.

Humarap naman ako.

"Yes Dad."mahinang saad ko.

"Nakaalala ka na Zen, di ba? Huwag ka na magkunwari na hindi mo pa naalala ang lalaking iyon!"

Napalunok naman ako.Maluha-luhang nakatingin ako kay Daddy.

"Dad, mahal ko po siya.Bakit po ba ayaw niyo sa kan'ya? Bakit po sobrang higpit niyo sa akin? Bakit si ate Zia, malaya siya kahit noon pa."

"Huwag mo idamay ang ate mo dito.Bakit ayaw ko sa kaniya? Dahil babaero at basagulero ang lalaking iyon!"

Huminga ako ng malalim.

Worst KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon