Chapter 10

4K 120 8
                                    

"Gold?"nasa biyahe pa rin kami ni Gold.Ginabe na kami masyado dahil sa sobrang traffic.

"Yes?"

"Pinasundo ba talaga ako ni ate Z?"mahinang tanong ko sa kan'ya.

"Yeah, tumawag si Dove kay Z,"

"Dove? Sino si Dove?"nagtatakang tanong ko.

"Ha...ahmm.. kaibigan namin, nakita ka kase na kasama mo si Vicente,"

Huminga ako ng malalim.

"Mahirap ba ako mahalin Gold? Bakit hindi ako kayang piliin ni Jaime?"

"No, hindi ka mahirap mahalin, may tanong ako sa iyo,"seryosong saad ni Gold.

Napatingin naman ako sa kan'ya.

"Ano iyon?"

Napasulyap ito ng mabilis sa akin, at mabilis rin ito ibinalik ang tingin sa daan.

"Puwede bang ligawan kita?"

Napaubo naman ako.

Liligawan niya ako? Akala ko ba liligawan niya si Sheena.

Napasimangot naman ako.

"Friends lang tayo,"sagot ko naman sa kan'ya.

"Ouch...binasted agad ako,"natatawang saad niya.

Halos alas diyes ng gabi kami nakarating sa Manila, agad naman ako hinatid ni Gold sa bahay.

"Salamat,"nakangiting saad ko sa kan'ya.

"Basta liligawan pa rin kita,"ani niya.

"Sa iba ka na lang manligaw,"saad ko sa kan'ya at tumalikod na.Alam ko naman na hindi seryoso si Gold.

"Maganda gabi Ma'am Zen,"ani ng guwardiya.

Ngumiti lang ako sa kan'ya.

Agad na akong dumiretso sa taas, sa aking silid.Dumiretso na agad ako sa shower.After ko naligo, humiga na ako.

Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ito.Napakagat ako ng aking ibabang labi nang nakatanggap ako ng maraming text messages galing kay Jaime.

"Fuck! Sumama ka sa ibang lalaki, at iniwan mo ako dito,"

"I'm really going to kill that Gold Lee!"

"Zen, reply my messages!"

"Babalik na rin ako sa Manila!"

Ibig sabihin kasunod rin namin siyang bumalik sa Manila?

Maya-maya lang biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Jaime.

Ilang minuto na hinayaan kong tumunog bago sinagot ang kan'yang tawag.

"H-Hello?"

"Nasa labas ako ng mansion ninyo,"mahinang saad niya.

Napatakbo naman ako pumunta sa bintana at sumilip.

Nakita ko ito na nakatayo sa tabi ng kotse niya.

"Hating-gabi na, umuwi kana at magpahinga Jaime,"mahinahong saad ko sa kan'ya.

"No, mag-uusap muna tayo kahit saglit lang Zen, please,"

"I'm sorry, good night Jaime,"mahinang saad at pinatay na at pinatay ko na ang tawag.

Nilagay ko ang aking cellphone sa tabi ng lampshade.Panay pa rin ang tawag ni Jaime.Pagulong-gulong na ako sa aking higaan, pero hindi pa rin ako makatulog.Alas dos na ng madaling araw pero mulat na mulat pa rin ako.

Worst KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon