May Hangganan sa Kaalaman

12 0 0
                                    

Ang mundo ay nagsisilbi na isang bahay para sa lahat ng may buhay o wala. Ang tao naman ang siyang gumagawa sa lahat ng mga bagay na nagdudulot ng epekto sa mundo, ang gumagawa ng pagbabago, nagpapatupad ng mga batas, nagpapaganda o sumisira sa kalikasan, nagiging dahilan at epekto ng mga pangyayari sa buhay, at ang siyang nagpapahirap o nagpapasaya sa ibang nilalang. Ito ay ang katotohanan na sa pangaraw-araw ay nasasaksihan, ginagawa, at nararanasan ng mga tao. Sila ang siyang gumagawa nang kasaysayan at kunabukasan, sila ang gumagawa sa tinatawag nilang buhay kung saan ang mga kaganapan ay hindi na mabibigyan ng kahulugan at kasiguraduhan.

Ang mga tao ay nagsisimulang maging bahagi ng mundo mula sa kanilang kapanganakan o simula sa kanilang kamusmusan kung saan sila ay may inosenteng pag-iisip tungkol kung ano ang mundo, hanggang nagkakaroon na sila ng mga katanungan at kuryosidad at sa pamamagitan nito nakalilikha sila ng mga obserbasyon. Kung ilalarawan ang bata ay isang nakakatuwang nilalang na ginawa ng lumikha dahil sila ay nagiging masaya sa mga simpleng bagay at nalulungkot o umiiyak sa mga maliliit na pagkakamali na hindi naman nakakasama sa mga uri nila. Karaniwan sa mga nabubuong katanungan ng isang bata ay bakit kulay asul ang langit, gaano ito kalawak, gaano ito kalayo, o ito ba ay may hangganan, bakit bilog ang mundo pero ang tanawin o ang anyo nito sa lupa ay isang malawak at patag na kalupaan na hinaharangan ng mga bundok. Ang bawat katanungan nila ay nagbibigay ng kaalaman habang sila ay lumalaki sa paglipas ng panahon nagkakaroon rin sila ng malawak na pagkakaintindi at sariling pang-unawa habang sila ay nagkakaroon ng karanasan at mula dito nagkakaroon sila ng pagbabago natututo silang gumawa ng bago at nabubuo ang iba't-ibang mga emosyon na nag-uudyok sa kanila upang gumawa ng mga bagay na hindi nila alam o hindi nila masabi kung ito man ay tama o mali. Sa paglipas ng panahon ang isang inosenteng bata ay nagiging isang responsableng indibidwal dahil sila ay gumagawa na ng desisyon, natututo nang mamuhay sa kanilang pagsisikap, sariling pamamaraan, at kagustuhan, sila rin ay nagiging bayolente at nagiging dahilan ng pagdurusa ng iba.

Minsan ang karanasan ng tao ay hindi kaaya-aya at minsan naman ay ito ay napakaganda. May pagkakataong sila ay nagiging masaya, o di kaya ay malungkot, dumadating rin ang pagkakataong sila ay nagmamahal sa sarili nilang kapwa.

Ang buhay ay minsa'y kinukuwestion ng mga tao kung bakit ang lupit nito sa kanila, kung bakit sila ay pinapahirapan at kung bakit sila ay nagdurusa dahil narin sa kanilang karanasan kung saan sila ay nakakaranas ng mga sakit, sakuna, pang-aabuso, kagutuman, at hinanakit. Hanggang sa nagiging negatibo na ang kanilang pananaw sa mundo dito nila nagsisimulang isisi sa diyos ang lahat at kinukwestiyon na nila ang mga bagay na hindi nila lubos na nauunawaan, tulad ng katanungang bakit sila nabubuhay sa mundo kung sila naman ay nagdurusa, bakit sila ipinanganak kung maghihirap at magkakasakit naman sila, bakit sila nakakaranas ng pang-aabuso, at bakit sila nabuhay kung magiging malungkot naman pala sila.

Ang mga tao ay maituturing na mapanganib na nilalang dahil gumagawa sila ng mga hindi kaaya-ayang bagay. Sila ay kumukuha ng buhay ng nilalang at maging ang sarili nilang buhay, dahil hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng buhay, hindi nila alam na wala silang karapatan na tapusin ang buhay ng mga nabubuhay sa mundo, hindi nila alam na walang kasiguraduhan kung matatapos ang kanilang pagdurusa o kung magiging masaya sila kapag wala na sila sa mundo. Hindi nila alam na sila ang dahilan ng lahat ng pagdurusa, paghihirap, sakuna, kalungkutan, maging ang mga sakit dahil ang mga tao ang nabubuhay sa mundo na may kakayahang kontrolin ang mga bagay-bagay at mga pangyayari, sila ang may kakayahang gumawa o sumira, at sila rin ay nakakatakot at delikado dahil kaya nilang makasakit sa iba.

Kung aanalisahing mabuti ang tao ang siyang namamahala at namumuno sa mundo sila ang gumagawa ng kanilang kasaysayan at kinabukasan kayat kung ang tao man ay ipinanganak nang may mahirap na pamumuhay nakabase sa kanilang desisyon kung sila ay nagnanais ng pagbabago maaari silang magsikap at gumawa ng paraan, kung ang tao naman ay kasalukuyang nakakaranas ng suliranin hindi sagot ang paggawa ng masama sa halip maaari nilang hanapan ito ng solusyon, kung ang tao man ay nakakaranas ng panghuhusga maaari nilang ayusin ang sitwasyon sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap at pagpapaintindi, samantala kung ang tao man ay may iniindang karamdaman maaari kang gumaling sa pamamagitan ng tamang pagmamahal at pagkakaroon ng disiplina sa sarili subalit kung ang karamdaman ng isang tao ay wala ng lunas o walang mga paraan upang ito ay gumaling, kung gayon ang maaari na lamang nilang gawin ay ipagkatiwala ang kanilang buhay sa lumikha at tanggapin na lamang nila na ang kanilang buhay ay mananatili na lamang sa kasalukuyan nilang oras. Nararapat rin na maunawaan nila na ang bawat indibidwal ay may mga gampanin at papel sa bawat buhay ng bawat isa na sila ay nagdudulot ng epekto sa kung paano mabuhay ang bawat nilalang at kung bakit nagbabago ang isang tao. Sila rin ay walang karapatang kumitil ng buhay ng kanilang kapwa dahil sila ay kabilang sa kanila, kung nagawa man nila ito dahil may dahilan sila o dahil wala sila sa wastong katinuan dapat na tandaan ng isang tao na sila ay minsang naging bata kung saan masaya silang nakikipagtawanan, nakikipaglaro, at nakikihalubilo sa kapwa nila bata, dapat nilang tandaan na may mga magulang sila, mga kapatid, at mga kaibigan at lahat sila ay binigyang buhay ng diyos upang mabuhay sa mundo at magkaroon ng karanasan at para maging bahagi ng buhay ng bawat indibidwal kung kayat ang mga taong kumikitil ng buhay ay walang kapatawaran gayun din ang mga taong nang-aabuso ng kapwa nila, sila rin ay makasalanan sapagkat walang sinuman ang binigyang pahintulot ng lumikha upang umabuso at magpasakit sa iba dahil lahat ng mga tao ay nilikha ng pantay-pantay at iisa na inuuri bilang isang tao. Kaya't ang katotohanan ay walang mga kakaibang mga nilalang sa mundo na kinikilala at kinakatakutan ng mga tao tulad ng mga multo o mga uri ng aswang dahil ang totoong mapanganib at dapat na katakutan ay ang mismong tao.

Dapat rin tandaan ng mga tao na walang swerte o malas sa mundo bagkus ang tanging mayroon dito ay ang paggawa at layunin.

Maaaring may mataas na kaalaman ang mga tao sapagkat nakalilikha sila ng bago at nakakaya nilang diskubrehin ang hiwaga ng mundo at nagawa na rin nilang makapunta sa kalawakan, ngunit gayunpaman sila pa rin ay isang tao na may limitasyon at hindi nila kailanman maaabot ang hangganan ng mundo sapagkat marami pa silang hindi nadidiskubre at nalalaman anuman ang kanilang gawin upang malibot ang mundo ay mananatili parin sila sa iisang pulo na nakalaan para sa mga nilalang. Ang mundo ay hindi lang para sa mga tao, hayop, mga halaman o mga kagamitan, kundi may mga hiwaga ito na importanteng bahagi o parte ng mundo na hindi nararapat na tuklasin ng mga tao.

PagtuklasWhere stories live. Discover now