Sino Ako?

0 0 0
                                    

     Maraming depinisyon ang mailalarawan sa salitang sarili maaaring ito ay ayon sa sarili nating pagkakakilala o maaari namang ayon ito sa ibang tao. Ang sarili ay marami ring kahulugan ayon sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa o mga philosopher.
 
      Minsan ay sinasabi nating ako ay ako, pero sino o ano ka ba talaga na masasabi mong ikaw.
 
    Ang bawat indibidwal ay may sariling pagkatao, may sariling kakayahan, talento, pag-iisip, at may sarili tayong kagustuhan.

      Kayo ba ay isang mang-aawit, mananayaw, pintor, o di kaya naman ay negosyante, at marami pa. Maaaring isa sa mga nabanggit ay isa sa iyong gustong maging balang araw. Ang propesyon ay isang basehan ng isang tao para masabi na ito ay ako gayun din ang katayuan sa buhay at mga katangian. Ngunit sigurado ka bang alam mo na kung sino ka, gaano mo kakilala ang sarili mo, maaari mo bang sabihin sa sarili mo kung sino ka.

       Isa ka bang matapang na tao at satingin mo ay wala kang kinakatakutan at hindi ka kailan man umiyak, kung gayon isa kang kahanga-hangang tao ngunit hindi parin sapat para ikaw ay masasabing matapang dahil ang totoo gusto mong umiyak minsan dahil marami kang gustong sabihin pero hindi mo alam kung paano dahil ang mga tao sa paligid mo ay kilala ka bilang isang matapang na tao. Walang taong hindi umiiyak dahil lahat tayo ay may emosyon at kahinaan. Kailan ka ba huling natakot, hindi ka ba umiyak kahit minsan sa buhay mo at sigurado ka bang hindi ka takot sa mga posibleng mangyari sa buhay mo. Kung satingin mo naman ay isa kang mahina o walang silbi na tao, mag-isip kang mabuti nararamdaman mo ba na ganito ka, o ipinaparamdam ba ito ng mga taong nasa paligid mo, kung gayon wala ka bang nagawang bagay na ikinabuti ng iba o nagdulot ng kasiyahan sa ibang tao, nakabuo ka na ba ng isang bagay na naging epektibo o naaayon sa iniisip mo, at may bagay ka bang ginawa nang nag-iisa. Ikaw ba ay isang tao na kayang makuha ang lahat at sa tingin mo ay wala kang hindi kayang gawin, kung gayon ano-ano ang mga nakamit mo, kontento ka ba sa nakukuha mo, natupad mo ba lahat ng kagustuhan mo, at sigurado ka bang wala nang kulang sa buhay mo. Kung satingin mo naman ay napakaperpekto mo dahil maraming humahanga at nagmamahal sayo at lahat ay nakuha mo na, kung gayon maaari mo bang sabihin sa sarili mo na kontento na ako, sigurado ka bang mahal ka ng mga nagmamahal sayo at tanggap ka nila kahit na ano ang iyong katayuan at pagkatao, at masaya ka ba sa nangayayari sa buhay mo o sa nakukuha mong atensiyon. Kung ikaw naman ang klase ng tao na ang pakiramdam ay walang nagmamahal sayo at nag-iisa, kung gayon balikan mo ang mga pangyayari sa buhay mo wala ka bang kaibigan o pamilya, wala ba kahit isa na dumamay sayo noong malungkot ka, wala bang nag-alala sayo kapag may sakit ka, sino ang nagpapasaya sayo at sino ang nagbibigay ng paalala at lakas ng loob sayo sa tuwing may gagawin ka.
 
      Ang sarili ay maaaring mahusgahan at makilala ng ibang tao sa maling paraan o pagkakaintindi. Ang tunay na kahulugan ng sarili ay hinding-hindi natin kayang ipakilala sa ibang tao dahil tayo lang ang nakakaalam kung ano at sino tayo. Tulad nalang pag sinabi mo na ako ay mahilig sa mga aso at iyon ako, maaaring magdulot ito ng kalituhan sa iba at maaaring magkaroon sila ng maling pag-unawa ngunit tayo ang ating sarili alam natin ang tunay na kahulugan ng pangungusap na iyon.

       Ang bawat tao ay may sariling pagkakaintindi sa sarili ngunit kahit ikaw man ay mahusgahan ng ibang tao at maging dahilan ito upang baguhin mo ang iyong pagkatao, hindi parin natin mababago ang ating tunay na sarili at tayo lang ang nakakaalam kung sino tayo.

PagtuklasWhere stories live. Discover now