Katotohanan at Hinahangad

0 0 0
                                    

        Ang isang tao ay masasabing may pabago-bagong pagkatao dulot narin ng pakiramdam, pag-iisip, at mga pangyayari sa mundo. Sa tuwing tumitingin tayo sa salamin ay palagi nating inoobserbahan ang ating sarili, kung ano ang ating pisikal na itsura, kung maganda ba tayo, maayos ba ang ating damit, o kung ano ang pagbabago sa ating katawan. Ang obserbasyon natin sa ating sarili ay masasabing ang ating actual self o ang ating totoong sarili ito man ay magandang obserbasyon o hindi. Bagamat tayo ay naaapektuhan ng mga bagay na nauuso, mga taong sikat, magaganda na satingin natin ay maihahalintulad sa isang perpektong tao, tayo ay nagkakaroon ng pangarap na sarili o kagustuhan na pagkatao at iyon ay ang ideal self, hindi ito masasabing nakasasama sa atin dahil maaaring ang epekto nito ay ang pagpapahalaga at pagmamahal natin sa ating sarili o pagkakaroon ng pag-unlad. Ngunit maaari ring maging dahilan ito upang ikumpara natin ang ating sarili sa ibang tao na maaaring maging dahilan upang bumaba o mawala ang ang tiwala sa ating sarili, maaari ring may mas malala itong epekto sa ating emosyon kung hindi tayo naging tulad sa ating pinapangarap na sarili.
 
         Dulot ng ating nararamdaman, karanasan, nasasaksihan, at naririnig tayo ay nagkakaroon nang kagustuhan na magbago. Dulot na rin ng pisikal na itsura, katanyagan, at impluwensiya ng mga taong satingin natin ay perpekto  nagkakaroon tayo ng pangarap na maging katulad nila.     
       Ang lahat ng mga pangyayari sa mundo at mga pagbabago sa bawat henerasyon ay may impluwensiya sa ating pagkatao. Ngunit ang tao ay hindi perpekto, kilala man tayo na may magandang mukha, maraming talento, o magaling sa iba't-ibang larangan hindi parin natin maitatago at maitatanggi na tayo ay may kakulangan na tayo lang ang nakakaalam. Ang bawat tao ay nilikha na hindi magkakatulad upang makilala natin kung sino tayo at malaman natin ang ang sarili nating kakayahan, talento, kahinaan, at kagustuhan dahil bawat tao ay may ginagampanan at maaaring magamit natin ang ating sarili at kaibahan upang magbigay inspirasyon sa iba at magbigay ng kaalaman o tulong, dahil ang bawat pagkakaiba natin ay dahilan upang tayo ay matuto at magkaroon ng bagong kaalaman o karanasan.

PagtuklasWhere stories live. Discover now