Ako ay isang estudyante

1 0 0
                                    

     Pangarap, iyan ang mayroon ako na pilit kong inaabot ano man ang pagdaanan ko o ano man ang mga balakid sa aking paglalakbay, ito rin ang nagsisilbing lakas at inspirasyon ko upang magpatuloy at lalo pang magsipag sa kabila ng mga suliranin. Ang bawat araw para sa akin ay isang karera, karera na para bang hindi matapos-tapos magmula sa paggawa ng mga bagay na aking kinagawian na palaging nagreresulta ng palagi kong paghahabol sa oras, ngunit hindi ko kaya. Sapagkat ang oras ay mabilis na lumilipas kaya't ang maaari ko na lamang gawin ay pagsabayin ang aking mga gawain hanggat maaari at ang nasa isip ko na lamang ay kailangan kong gawin sapagkat kailangan, kung hindi ay babagsak ako at hindi ko na magagawang tapusin ang sunimulan kong karera kahit abutin ako ng hapon o di kaya ay umaga, kahit halos makalimutan ko nang kumain, at kahit ilang oras nalang ang aking tulog ang mahalaga ay maitawid ko ang aking pag-aaral. Ngunit hindi ko batid ang aking kinabukasan, hindi ko masisigurado kung ako ba ay magiging matagumpay, at hindi ko alam kung tama o sulit ba ang aking mga sakripisyo at mga pagsisikap upang makamtan ko ang aking pinapangarap sa aking pagtatapos.

      Totoo ba ang tadhana?. Sapagkat kung ang tadhana ang pumipili ng kinabukasan, ano ang akin?. Maaari bang piliin niya ang aking hinahangad?. Sapagkat kung taliwas rin lang ang tadhana ayon sa aking kagustuhan, para saan pa't nagsikap ako, para saan pa't nagkaroon ako ng matataas na grado, at para saan pa't nagtiis ako ng maraming taon.

     Kung sana lang ay pantay-pantay ang pagtrato sa bawat indibidwal ano man ang estado natin sa buhay at kung sana lang ay hindi naiiwan ang nasa mababang sektor ng lipunan, ngunit kahit saang anggulo mang tingnan may pagkakaiba sa pagitan ng mga propesyonal at ng walang natapos hindi lang sa paraan ng pakikihalubilo sa kanila kundi pati narin sa pakikipag-usap at pakikitungo o pakikisama sa kanila. Ngunit mahirap ang pag-aaral kahit na lahat tayo ay talentado mahirap parin makipagsabayan sa lahat ng mga aktibidad, mga proyekto, at pati na rin sa mga gawain sa bahay kung saan bawat araw ay ramdam ko ang bawat presyon at ang mga expectations o mga inaasahan sa akin ng mga mga tao na kahit sagad na sa aking limitasyon ay kailangan ko paring subukan para maging kung ano ang inaasahan nila.

     Sabi ko na lamang sa aking sarili na ako'y magiging guro upang magturo hindi upang magbigay ng expectations sa kung ano ang kaya ng aking estudyante, ako'y magiging enhinyero hindi para manlamang sapagkat ako'y may kaalaman sa numero, ako'y magiging doktor hindi para magbigay ng karamdaman para lang sa magiging epekto nito sa aking ospital, ako'y magiging sundalo hindi para mangabuso sapagkat ako'y may awtoridad, at ako'y magiging kawani ng gobyerno hindi para manggipit sapagkat ako'y may kapit, dahil ako'y naging estudyante rin minsan at alam ko ang pakiramdam.

PagtuklasWhere stories live. Discover now